[5] Angels and Demons

20 0 0
                                    

Jack's POV

"Angels, please proceed to the production room. Again, please proceed to the production room." Umuugong na tunog mula sa mga speakers all around the campus.

Special mention lang naman kasi yung mga "angels" na to.

"Tss. Ayan na naman sila." Umiiling na sabi ni Jovey.

Kasalukuyan kaming nasa canteen, sa table namin.

"Ano na naman kayang binabalak nila? Maglalandi na naman sila sa stage? Duhh! Sukang suka na ko!" Maarteng sabi ni Mei.

By the way, Angels is a group name ng mga dancer sa school. Sila yung mga laging nagpeperform pag may mga program. Sila lang naman sina Missy, Patricia, Raeko, Cindy- yung babaeng banal kunwari pero kung sumayaw sa harap ng marami kulang na lang lumabas lahat, I mean lahat naman sila ganun, actually hindi lang sila apat, pito po sila. The nerves di ba kung makikita mo silang sabay- sabay magbida sa public.

"Badtrip! Kainis! Nakakawalang gana sa tuwing maririnig ko yang pangalan ng grupo na yan." Inis na inis na sabi ni Nath habang nagtatantrums.

"Nyemas! Pwede naman silang tawaging Demons instead of Angels. Di ba? Mas bagay yun atleast nirereflect kung anong totoo." Tumataray na sabi ni Mei.

"Engot! Favorite sila ng taong bayan, I mean marami sa mga students dito. Tsaka FYI lang, bakit mo ipamimigay yung title natin sa kanila?" Sabi ko na may halong pangaasar.

"Ayy, oo nga pala, tayo pala yung Demons tas sila yung Angels." Napakamot ulong sabi ni Mei bago tumawa.

"Eaaahhh! Ayoko na! Lagi na lang tayo yung masama. Dahil favorite sila ibig sabihin mabait na agad sila? Dahil inaaway natin sila tayo na kontrabida? Unfair!!!" Pagmamaktol naman ni Nath.

Kaming apat lang yata yung nag uusap since yung mga lalaki busy sa mga mundo nila. Gagawa daw sila assignment para di mapagalitan ng mga teacher nila.

"Kaya nga!!! Unfair! Sila nga yung mga bully tas ginaganti lang natin yung mga inaapi nila kaya nga dapat super hero tayo hindi Demons! Unfair!" Pagsang-ayon naman ni Mei na parang nagiinarte na naman.

"Lol! Di tayo super hero! Binubully natin sila kase gusto natin. Reason lang natin yung binubully natin sila kasi nambubully rin sila. In short nagiging palusot lang natin yung mga nabully para mambully!" Sabi ko sa dalawa na parang naguluhan sa mga salita.

Maya-maya, mukhang narealize na nila yung sinabi ko.

"Oo nga no!" Sabi ulit ni Mei.

"Baliw!" Sabat naman ni Jovey bago batukan si Mei.

As usual, nag umpisa na naman silang mag harutan.

Sa gitna ng kaguluhan, may kaganapang nakapagpahinto sa lahat.

"Shit!" Sabi ni Jeff na parang naawa sa nakita.

"Oh. What the hell?" Tanong ni Brikx na katulad ni Jeff ang reaction.

Tumayo yung dalawa para puntahan yung lalaki na pinagtitinginan na sa loob ng canteen.

Kawawa naman, transferee na nabully. Ganun naman lagi, walang pants at boxers lang ang suot. Partida polka pink pa yung design. Halata namang walang laban yung transferee since bago sya at walang kakilala and para syang nerd na ewan. Pero kung lalaki rin ako, maawa ako sa sarili ko kase naapakan yung dignidad ko bilang lalaki knowing na mga babae ang may pakana. Pano ko nasabing babae ang may sala? Sila lang naman kasi yung katangi-tanging malakas ang tawa sa loob ng canteen at kumukuha pa sila ng  shots nung lalaki habang naglalakad na pasan ang buong mundo. Sila, yung Angels ang tinutukoy ko (Missy, Raeko, Patricia). Well, demonyo talaga ko kung tutuusin pero sa kanila lang, kila Missy. Pero di ako nandadamay ng walang reason di tulad nila na halos lahat pinagpaplanuhan nila. Buti na lang di nahawa samin ng masyado yung mga boys kaya ang swerte lang ng transferee na yun kasi matulungin sina Brikx and Jeff.

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon