Jack's POV
"Merry Christmas Kuya."
Niyakap ko si Zero ng sobrang higpit then he replied with a kiss sa ulo ko bago ako umakyat papunta sa kwarto.
Gusto ko ng matulog pero hindi pa ko dinadapuan ng antok.
Hinayaan ko na nakapatay ang ilaw dahil maliwanag naman ang sinag ng buwan sa labas ng bintana.
As expected, walang dumating na Papa at Mama sa araw ng pasko.
Ano pa nga bang aasahan ko di ba? Lalo lang akong masasaktan kung aasa pa ko sa kanilang dalawa.
Naramdaman ko na namang sumasakit ang dibdib ko. Chest pain again.
Bigla kong naalala yung sinabi ng doctor ko. Kung wala daw ba kong pamilya o inspiration para ipagpatuloy na lumaban or what.
Napaisip tuloy ako.
May pamilya naman ako. Pero pamilya nga ba talaga? Wala naman silang oras para sakin kaya di ko alam kung tama bang tawagin ko silang pamilya. Sila pa nga yung dahilan kung bakit ayoko ng lumaban.
Gusto ko na lang biglaang maglaho dahil sa kanila.
Kung kailan mo kasi kailangan ng tulad nila tsaka sila wala. Lagi naman silang wala. Kaya hindi na rin bago sakin.
Sa totoo nga lang, mas close pa ko sa magulang ni Brikx kaysa sa mga magulang ko ee.
Hindi ko nga alam kung kamusta ba sila. Kung anong mga gusto nila at kung ano ng mga itsura nila.
Oo umuuwi sila pero sandali lang at aalis din agad. Nakikita ko sila pero hindi ko naman nayayakap at nakakausap.
They say they love me pero di ko naman dama.
They say they care for me pero nasaan sila?
They are my only family pero wala sila sa tabi ko.
Si Zero lang ang nagaalaga sakin.
Minsan na lang syang umuwi sa kanila dahil sa wala kong kasama. It is always his reason.
Kahit pinsan ko lang sya, pakiramdam ko kuya ko talaga sya. Daig pa kasi nya sila mama at papa.
Kung inspiration lang ang tatanungin ng doctor, madami. Andyan si Zero at ang tropa.
Mahal ko ang tropa kaya kung pwede lang ayoko talaga silang iwan. Sa kanila ako naging masaya. Sa kanila ko naramdamang di ako nag iisa. Sila yung dahilan kung bakit gusto ko pang tumagal sa mundo.
Gustong-gusto ko pang gumawa ng kalokohan kasama sila.
Half ang decision ko.
May part na gusto ko ng mag give up at may part na gusto kong lumaban.
Kaya ngayon, I want a sign lalo na at pakiramdam ko malapit na kong mahulog ng sobra kay Brikx.
Alam ko kasing pag nagkataon, di na ko mamimili pa at susubukan ko talaga ang lahat para mabuhay at makasama sya.
Cheesy man pero that's the reality.
Though there is no reality but we make one for ourselves.
"Heart Transplant?"
Gumulong-gulong ako sa kama para hindi masyadong ma stress sa mga iniisip ko lalo na at hindi ko alam kung pano sasabihin sa tropa ang kalagayan ko.
Pakiramdam ko tuloy nagsisinungaling ako sa kanila at nagiging unfair ako.
Napahinto ako ng may madaganan akong box.
Yung red box galing kay Brikx.
Naisipan kong buksan yung binigay nya at natuwa naman ako sa laman.
May love letter. Charr.
"Sa babaeng nagpaparamdam ng selos sa kagwapuhan ko, ngumiti ka lang palagi sapat na ;) hope you like it <3"
At may heart pa talaga. Loko talaga. Pinapakilig na naman ako.
Pagtapos ko basahin yung love letter, nakita ko kung ano yung tunay laman nung box.
"Aw ang sweet. I'M WITH YOU."
Yun yung nakasulat sa bracelet.
Reminds me na di ako nagiisa.
Dahil dun, feeling ko 50:50 yung utak ko. I want to but I don't want too.
I feel so exhausted kakaisip kaya nagtakip ako ng unan at pinilit na matulog.
New year came, same manner. Kila Brikx kami nagcelebrate. Walang hiya kami ni Zero ee. Haha. Mas maingay nga lang ngayon dahil sa mga fireworks at dahil sa nandito yung iba nilang relatives.
"Oy! Thank you!" Sabi ko sabay yakap kay Brikx.
"Para saan?" Tanong nya.
"Dito." Pinakita ko sa kanya yung bracelet na bigay nya sakin.
Sinuot ko kasi.
"Wag mo tatanggalin yan ha." Utos nya habang kinukurot ang pisngi ko.
"Opo." Sagot ko naman.
"Teka, nagustuhan mo ba yung binigay ko?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Parang ayoko nga lang gamitin." Tumawa sya sabay gulo sa buhok ko.
Ewan ko ba kung anong problema nila sa buhok ko. Todo ayos ako tas sila naman todo gulo.
Yung regalo ko pala sa kanya, set ng pencil na pinacustomize ko pa. Pinalagyan ko pa yun ng mga phrase na gusto kong sabihin tas may heart heart pa XD Wala kasi akong ibang maisip na iregalo ee. Since artist sya, yun na lang pinili ko.
"Brikx! Pakilala mo naman sakin yung chix natin." Sabi nung pinsan nya.
Ewan, narinig ko kanina lang kanina ee.
"Anong natin? Wag kang paepal. Akin lang yan." At hinatak ni Brikx sa tenga yung pinsan nyang nagpapacute.
"Share share." Pagpapatawa nung pinsan nya.
"Share mo mukha mo!"
Natawa na lang ako sa kanila.
All in all, masaya naman.
Kahit wala sila mama at papa, okay yung new year ko.
Sapat na saking kasama si Zero, sina tito at tita, at si Brikx.
Hindi naman na ko umaasa sa mga yun. Bahala na sila.
Basta ako, masaya kahit wala sila.
BINABASA MO ANG
SMILE [COMPLETED]
Novela JuvenilA friendship is a ship that sunk but never sinks. In short sila yung the best! No matter what, sila yung mga taong di ka iiwanan. Palagi silang nandyan either para pangitiin ka or pakiligin ka. Depress, stress or heartbroken ka man you can rest assu...