[35] Plans

14 0 0
                                    

Jack's POV

Pagtapos ng incident last time sa cafeteria and yung kahapon sa mall, naging cold na ko towards kay Luke.

Kung dati halos malugmok ako sa lungkot dahil sa kanya, ngayon hindi na.

Alam ko na kung ano sya sakin at ano ako sa kanya.

We can never be friends like this.

"So what's the plan Jack? Huh? Mukhang nagiging mas interesting ang nangyayari sa paligid." mukhang masaya na sabi ni Mei.

Kinuwento ko kasi sa kanila yung nangyari samin kahapon ni Brikx sa mall nung nakita namin yung dalawang impakto.

As usual nasa round table kami sa cafeteria at sakto ang pagdaan nila Luke, Missy and the gang.

"Wow, new look yung beshy mo Jack." natatawang sabi ni Ben habang nakatingin sa mga dumadaang panget.

Tinignan ko si Luke.

At sobrang kakaiba sya.

From the hair to his shoes, something has changed.

"Beshy daw." pangaasar naman ni Aeron.

"Ooppss! Ano kayang meron? New official enemy. Yay!" naeexcite na sabi ni Mei habang nakatingin pa din sa kanila na nasa kabilang table.

Nag-iba totally yung pormahan nya. Nakataas yung hair, yung style ng pananamit nya parang naging enemy type na talaga. Yung polo nya open na yung mga upper buttons na di nya naman ginagawa, nakaakbay na din sya kay Missy unlike dati na hinahayaan nya lang na pumulupos sa kanya yung impakta, and he was wearing a different smile. A smirk like smile.

Sya na yung bad guy type.

"Naiistress ako pota." sabi ko sabay sipa sa paa ng table.

"Bakit mo ba kasi kailangan pansinin yung gagong yun?" parang inis na tono ng pananalita ni Brikx.

Tinignan ko sya.

Nakatingin din sya sakin ng seryoso.

"Ehem! Masyadong malagkit." pangaasar ni Jeff.

"Gago!" natatawang sagot naman sa kanya ni Brikx sabay suntok sa braso.

Napangiti na lang ako sa kanila.

"Jack? Edi ibig sabihin, wala na ulit plastikan between you and Missy?" mahinhing tanong ni Sheela.

Mukhang ganun na nga.

Tumango na lang ako.

"Kung di na friends status nyo ni Luke, it means wala na dapat kayong reason to hate each other, I mean you and Missy. Right? Kasi di ba nag umpisa lang naman yung issue dahil kay Luke na beshy mo dati?" sunod na tanong ni Sheela.

Napatingin ako sa kabilang table.

Nakatingin sila samin, at si Luke, nakatitig sakin na parang may gustong ipahiwatig.

"Ganun sana Sheela, pero mukhang mas mageenjoy sila ngayon."

Tumingin silang lahat sa kabilang table.

"The tables have turned." cold na sabi ni Jin.

"Ah! The tables have turned pala ha!" lumapit ako sa kanya at kinurot sya sa tagiliran.

"Tekaaa sali akoo!" sabi naman ni Mei na lumapit at kinurot din si Jin.

"Araaaaaaay! Lumayo kayo sakin!" sigaw ni Jin habang tinutulak kami palayo sa kanya.

"No! Stop hurting my babbyy!"

At eto na si Nath na to the rescue.

"May pa english ka pa! Tumigil ka!" nagbabalik si Jovey na may paghampas ng payong sa ulo ni Nath.

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon