[13] Groupings

12 0 0
                                    

Jack's POV

"Oy mga tropa! Human Studies di ba? Magkakaklase tayo?" Tanong ng loud na si Nath.

"Oo." Sagot ni Meilin na mukhang imbyerna.

"Oh ano problema mo? Kakatapos ko lang. Ikaw naman ngayon?" Paepal na sabi ni Brikx habang tinatapos yung drawing nya.

"Teka! Meron ka no?" Pang-inis na tanong ni Jeff.

"Tssk. Kakatapos ko lang no!" Sagot naman ni Mei.

"Alam nyo guys, may pakiramdam akong may mangyayaring nakakademondyo." Share ko habang naglalakad na kami papuntang room.

From cafeteria to room, nagdadaldalan kami.

"Sus. Ako rin naman may pakiramdam na ...." Pasuspense na sabi ni Jeff habang umaakbay kay Mei.

"Na ano?" Curious namang tanong ni Jin the cold-moody crazy man.

Napaka-unpredictable talaga ng mokong na to.

"Pakiramdam ko sasagutin ako ni Mei my labs ngayon. As in now!" Sabi ni Jeff habang nagpoportray na sya si Romeo.

"Oh Juliet! Meilin ko iniibig kita! Ako rin ba'y iyong minamahal?" At ayan na nga nag-umpisa na sya.

"Ohlowl mow!" Sagot ni Mei na imbyerna nga talaga.

Tinawanan na lang namin si Jeff hanggang makarating sa room.

"Mag-aassign ako ng bagong seat plan." Sabi ng epal na si sir Jason.

Putek. Sa lahat ng teacher, sya yung pinakabwiset.

At ayun, nag-assign na nga sya.

Teka, di ko pala namention na kaklase namin sina Missy, Patricia, Luke, Roderick and Migo.

Sino si Roderick? Isa lang naman sya sa tinuturing kong  close friend. Yeah! Trato ko sa kanya dati parang tatay, napakataas ng respeto ko sa kanya kaya lang everything has changed. Oo. Simula nang naging malapit sya dyan sa impaktang Patricia na yan, lumayo na sya samin.

May group nga kami dati e, bago magkaroon ng Tropang Gag-Oh. Ako, si Nath, Mei, Sheela, Jovey, Ben, at sya - si Roderick. Kontrang-kontra yan dati sa mga Angels at todo deny sa Patricia na yan pero bandang huli nahulog at nagbago. Anyway, di kami mabubuo ng tropa kung di dahil sa nangyaring yun.

Si Migo naman. Ayun bakla. Mahilig sa gossip. Sabi nya wala daw syang true friends. Pano ba naman sya magkakaroon ng kaibigan eh napakbalimbing nya. Lahat ng nagiging malapit sa kanya bandang huli binabaliktad nya. Kairita lang.

So ayun na nga, groupings yung seat plan.

At ang swerte ko talaga.

"3rd group, Patricia, Missy, Roderick, Migo, Luke and Jackie." Nakakabwisit na ngiti ni Sir.

Kainis. Ang sarap nya tanggalan ng ngalangala. Bwisit! Napapaligiran ako ng mga UGGGGHHHH! Parang makakapatay ako.

"Psst!" Napatingin ako kay Nath.

Magkakagroup sila. At ang galing nya lang mang-asar - ni Nath.

Napatingin ako kay Brikx na parang ready makipagsapakan pag lumapit at nagsalita si Luke.

Hay. Napaka ng araw ko.

"Hi Jack! Long time no see!" Sabi ni Missy na syempre Angel DAW sa harap ni Luke.

"Life!" Mahinang sabi ko habang humaharap sa direksyon kung saan walang impakto.

Binigyan ako ni Meilin ng dismayadong tingin gaya ng iba sa tropa.

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon