[14] Jimboy

12 0 0
                                    

Jack's POV

"Poor Jimboy!" Sabi ni Missy habang sinisipa si Jimboy.

Oh right!

Nakakita na naman ako ng isang kalapastanganan.

*iling*

"Te - teka lang! Wala na man ak - o ginawa sa in - yo ha!" Sabi ni Jimboy na nauutal habang pinupunasan ang luha.

Well ganyan talaga sya.

Palaging nauutal.

Pero di naman sya special child XD

Grabe napaka ganda ng view ko promise.

Nasa landing kasi sila ng hagdanan tas ako nasa baba, nakasandal sa pader.

"What? I can't hear you Jimboy!" Sabi ni Missy habang nakatingin kay Migo.

"Ooppss. Sorry! Inubo ako." Sabi ni Patricia pagtapos duraan si Jimboy tsaka tumawa.

Habang nanunuod ako ng isang karumaldumal na krimen, may kumalibit sa akin.

"Anong palabas? Pang-ilan na yan?" Tanong ni Meilin.

"Pang-pito na mamen." Sagot ko.

Yeah. Binibilang talaga namin.

May gagawin kasi kami ni Mei.

*evil laugh*

"Missy? Pwede ko ba syang banggain?" Painosenteng tanong ni Migo.

"Sure girl!" Nakangiting sagot ni Missy.

Kahit kailan nakakairita yung ngiti nya.

Ilang sandali lang, umiiyak na si Jimboy. Pinipilit na tumayo mula sa pagkakahulog sa hagdan.

Tinulak lang naman sya ni Migo.

Pagtapos nun, umalis ang mga demonyo na parang walang nangyari.

Tinulungan namin si Jimboy na makarating sa clinic.

At sa tuwing magtatanong ang mga nurse sa kung anong nangyari, wala kaming ibang sinasabi kung di, ACCIDENT.

Pagdating namin sa cafeteria, dun sa round table namin. Walang ibang usapan kung di si JIMBOY.

"Grabe kanina sa cooking class namin. Binato ni Missy si Jimboy ng itlog. Kawawa nga yung Jimboy na yun eh." Pagkukwento ni Nath.

"Ayy, wala yan kanina sa Filipino class. Pinatid nya si Jimboy on the way sa black board para magreport." Kahit busy sya sa gadget, may time pa rin syang makipag chismisan.

Nagtinginan na lang kami ni Mei at sabay na umiling.

*evil laugh ulit*

"Hoy! Kayong dalawa! Ano na naman yang mga tinginan na yan?" Tanong ni Aeron samin na nakatingin ng masama.

"Yaan mo na sila fafa Aeron! Malalaki na yan." Sabat naman ni Jin na umaandar ang kakulitan.

At nagharutan sila ni Aeron.

"Oy kayo, bad yang iniisip nyo." Pagpapaalala samin ni Ben na nakapout.

Napakabait talaga ni Ben.

Why why why??

XD

"Ano na naman ba kasi yan?" Curious na tanong ni Brikx habang nagdadrawing.

Nagkatinginan kami ni Meilin at sabay nagsalita.

"Secret!" Sabay pa kaming tumawa.

"Pre, mukhang kailangan nating magbantay. Delikado e." Sabi ni Jeff na napakamot ulo.

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon