[20] Relax

11 0 0
                                    

Jack's POV

"Emergency nga." Sabi ni Jin na natatawa.

Kinuwento ko kasi sa kanila kung pano kami napunta sa sitwasyon na yun. Na gusto ako patayin nung mga alagad ng kadiliman.

"So pwede ba kayo gumawa ng EMERGENCY scene para pwede ko rin i-kiss si Mei?" Naka smirk na sabi ni Jeff.

Maya-maya nakatanggap sya ng malakas na hampas mula kay Meilin.

"Joke lang naman yun babe." Painosenteng sabi ni Jeff habang niyayakap si Meilin.

Tinawanan na lang namin sila.

Yung atensyon na kila Meilin naka focus, nabaling sakin.

"Edi si Brikx yung first kiss mo?" Tanong ni Jovey na parang nangaasar na.

Siguro naman alam nya yung nararamdaman ko. Na nanghihinayang ako ng sobra.

"Ano pa nga ba? Pero hayaan na natin wala na tayong magaga--" at pinutol ng epal na si Brikx ang pagsasalita ko.

"Tsaka enjoy ka naman di ba?" Pangaasar nya.

Hinampas ko sya. Pota. Di ako titigilan ng kalokohan ng mokong na to.

"Kung di lang kita bespren baka kung ano ng nagawa ko sayo." Inis na sabi ko.

"Kita nyo! Mag ki-kiss rin naman pala kayo tas todo ayaw ka pa Jack sa dare noon." Nakataas na kilay na sabi ni Meilin.

Tinarayan ko na lang sya at pinabayaan silang asarin ako maghapon at hanggang sa mga sumunod na araw.

"Jack. Sorry ha. " Sincere na sabi ni Brikx habang hinahatid ako sa bahay.

Finally, I found the sincerity in his words.

Mabuti naman at alam nyang mag sorry sa ginawa nya.

"Oo na. Wag mo ng ulit-ulitin. Wala naman na ko magagawa." Natatawang sabi ko.

So ayun na nga, nag enjoy kami ng sobra sa sport fest slash foundation day lalo na at nag champion si Aeron at nag pa-party sya.

After ng ilang araw na sport fest, nagkaroon kami ng mga vacant time sa mga sumunod na araw para sa preparation ng Christmas Eve event. Pero tuloy pa rin yung mga schedule namin tuwing hapon after class, yung sa human studies. Kung di lang talaga epal yung si sir Jason.

Kahit papano di na ko masyadong naapektuhan kay Luke. Pero di pa rin mawawala yung inis pag nandyan sya.

"Jack." Sabi ni Luke habang nakaupo kami sa bench para sa project namin.

Medyo okay yung mood ko ngayon.

"Ow?" Sabi ko naman habang nagsusulat.

"Kayo ba?" Tanong nya kaya napalingon ako bigla.

"Ha? Kami? Nino?" Gulat na tanong ko.

"Nung Brikx mo." Kalmadong sagot nya na nakangiti na parang may ibang meaning.

"Hindi." Plain na sabi ko.

"Bakit ka nya hinalikan sa corridor?" Tumingin sya sakin na naging seryoso.

Ah so nakita nya rin pala o baka naman nabalitaan.

"San mo naman narinig yan?" Tanong ko.

"Nakita ko. Tsaka di mo ba naririnig na pinaguusapan kayo sa mga hallway?" Tanong naman nya.

Grabe. Famous is real. Haha kabog na kabog. Pero kung di dahil sa syota nyang impakta baka walang nangyaring ganun.

Muntik na namang kumulo yung dugo ko pero pinigilan ko na lang.

"So ano? Kayo nga?" Tanong ulit nya.

"Hindi nga. Tsaka ano bang pakialam mo? As if naman na meron. Di ba?" Sarcastic kong sabi.

"Syempre may pakialam ako." Sabi nya.

"Talaga? Kailan pa?" Tanong ko na nakikipag-inisan.

Wala ee. Mukhang hinahamon ako neto.

"Dati pa Jack. Kaya pwede mo bang ipaliwanag yung nangyari sa corridor since hindi naman pala kayo nung Brikx na yun." Sabi pa nya.

Wow.

"Bakit kailangan ko pa ipaliwanag sayo? Tingin ko naman alam mo na." Medyo naiinis na ko di ko lang pinapahalata.

"Anong alam ko na? Sinasabi mo bang may kinalaman na naman si Missy?" Tanong nya sakin na parang nag iba ang tono ng boses.

"Hindi naman sa mismong sya. Pero yung mga little Mansters nya." Natatawa kong sagot.

"Pwede ba Jack, wag mo idamay si Missy dito. Alam ko namang wala syang kinalaman sa sinasabi mo. Mukhang ikaw pa nga ang laging may kinalaman sa nangyayari sa kanya." Sabi nya pagtapos huminga ng malalim.

Actually, kind yung pagkakasabi nya. Kaya lang masyadong offensive yung sinabi nya.

Pano nya nasabing walang kinalaman yung bruhang yun? Pano sya naging sure?

Sa totoo lang, I can feel my blood boiling.

Tapos pinapalabas pa nya na ako pa yung palaging gumagawa ng paraan para pahirapan yung bitch na yun.

As if naman na di ko talaga ginagawa. My point is how can he be so sure? Punyeta. Parang walang ibang iniikutan yung mundo nya kung di yung impakta na yun.

"Look. Hindi ko dinadamay yung babaeng yun since sya ang pinagmulan ng lahat ng to. At please lang, wag na wag mo kong pagbibintangan." At pagtapos ko magsalita, nilapag ko sa tabi nya yung paper works na kailangan namin sa human studies na naka ngiti.

Nag walk out ako.

Punyeta. Naiistress ako! Letche.

Gusto kong manuntok na gusto kong umiiyak.

Naglalakad ako sa hallway ng walang pakialam sa paligid. Wala e. Nakakairita lang.

Sobrang bilis ko maglakad at sobrang space out ako na di ko namalayang bumangga na ako sa kung sino at muntik pa kong matumba dahil sa lakas ng impact kung di lang ako nahawakan agad nung kung sino man yun.

"Oy pre! Ano ba yan?" Tanong nya.

Lumingon ako para tumingin sa nakaalalay pa rin sakin.

"Brikx!" Sabi ko sa kanya na parang maiiyak na.

"Ano na naman nangyari sayo?" Nagaalalang tanong nya.

"Susuntukin ba kita o iiyak ako dito?" Parang gusto ko na lang na biglang lamunin ng lupa.

Tumingin lang sya sakin. Clueless.

"Tara." Sabi nya sabay akbay.

"San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan yung mga luhang muntik ng tumulo mula sa mga mata ko.

Naglakad kami papuntang parking lot at sumakay sa sports car nya.

"San nga tayo pupunta? Di ba tayo dadaan dun sa cafeteria? Yung tropa?" Sunod-sunod kong tanong.

"Kung gusto mo magwala, okay na okay lang dun sa pupuntahan natin." Sabi nya habang nagmamaneho.

Di na ko nangulit kasi para kong nuclear bomb na sasabog dahil sa mga mix emotions dahil kay Luke. How dare he.

Nakarating kami sa mall ng ilang minuto lang.

Dumiretso kami sa arcade kung saan ako hinatak ni Brikx para kumanta.

Tumingin lang sya sakin bago ko ngitian.

"Sumigaw ka kung naiinis ka. Iiyak mo lang kung nasasaktan ka talaga. Nandito ko pre." Sabi nya habang sinasara yung pinto ng sound proof door ng karaoke room.

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon