[45] Saturdate

6 0 0
                                    

Jack's POV

Madilim sa kwarto at mahimbing ang tulog ng mga kaibigan ko.

They were sleeping peacefully sa bed ko and I am the only one who's up.

I opened my phone na tanging liwanag sa madilim kong kwarto.

It's just 2 am.

Ang bigat ng pakiramdam ko na para bang may nakabara sa lalamunan ko kaya nagising ako.

Ilang minuto rin akong nakaupo at mahinang naghahabol ng hangin.

Ayoko kasi na magambala ang tulog ng mga kasama ko. Ayokong magalala sila.

Hindi naman masakit yung dibdib ko kaya hindi ko alam kung bakit hindi ako makahinga ng maayos.

So I decided to go downstairs para uminom ng tubig.

Madilim din sa baba pero may liwanag akong natatanaw sa may bandang kusina.

Dumiretso ako para tignan kung may naiwan na bukas na ilaw pero I heard bottles clinking.

Napakunot-noo ako sa narinig.

Sinong mokong ang magiinom ng alas dos ng madaling araw?

Dahan-dahan akong sumilip at nakita ko si Brikx na malayo ang tingin at may hawak na bote ng beer.

"Hey." Bigla syang napalingon sa gawi ko at napatayo.

"Are you okay? May masakit ba sayo?" Concerned nyang tanong habang papalapit sakin.

Umiling lang ako.

"Are you sure?" Tanong nya sakin pagtapos hawakan ang kamay ko.

"Okay lang ako. Ikaw? Bakit gising ka pa?" Tanong ko naman sa kanya.

Nginitian nya lang ako sabay yakap ng mahigpit.

"I love you." Hinalikan nya ko sa noo at yumakap ulit ng mahigpit.

Narinig ko na naman mula sa kanya ang mga salitang nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Gusto kong sumagot pero parang wala akong boses.

Parang may nakaharang sa lalamunan ko.

Tumingin sya sakin.

Sa mga mata ko.

"Louiesse." Mahina nyang sabi.

Nakatingin lang ako sa kanya habang hawak nya ang pisngi ko at dahan-dahang palapit sa mukha ko.

I can feel his breath on my face.

"Lasing ka ba?" Tanong ko sa kanya sabay tulak at kurot sa tagiliran.

Yung puso ko parang sasabog na ewan.

Mabuti na lang napigilan ko pa.

"Wag kang magalala, I don't get drunk easily."

Hawak nya ko sa pisngi at bigla syang lumapit.

Napapikit na lang ako ng maramdaman ang labi nya sa labi ko.

"I love you." Sabi nya ulit ng nakangiti sakin.

Nakangiti sya pero yung mata nya, parang ang lungkot.

Hindi ko alam kung bakit pero sigurado ako.

Kilala ko sya.

"Matulog na tayo." Pagaaya nya na nakangiti pa rin.

Hindi sya naghintay ng sagot.

Kahit hindi tanong yung mga sinabi nya, alam kong he's expecting an answer.

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon