Jack's POV
"Lumapit sya sakin. At pakiramdam ko, parehas kami ng nararamdaman." Umiiyak na kwento ni Jovey.
"Ang bobo mo Jovey! Ipagpapalit mo si Ben sa gagong yun?" Galit na galit na sabi ni Mei.
"Jovey, don't be swayed. Sweet talks lang yun. No feelings involved." Hinawakan ko sya sa balikat para pagaanin ang loob kahit papano.
"I don't think na walang feelings si Luke for me." Umiiyak nya pa ding pinagtatanggol ang mokong.
"Tanga mo pramis. Playboy sya okay? He have his way with words." Pangangaral sa kanya ni Mei.
"Tama sya Jovey. Alam mo namang playboy si Luke. He's not serious about anything." Pagsangayon ni Sheela na mahinahong sinasabihan si Jovey.
"Pero hinalikan nya ko." At lalo syang naiyak.
Nagulat kami sa rebelasyon ni Jovey tungkol sa ginagawa ni Luke.
"Wag mo sabihing pinatulan mo?" Natatakot kong tanong na may panalanging sana hindi tama ang nasa isip namin.
Hindi umimik si Jovey at lalong binuhos ang iyak nya.
"Fuck! Gusto mo naman?" Galit na sigaw ni Mei pagbato ng isang unan.
"Men, hindi ka ba nagiisip? Pinaglalaruan ka lang nya! Kasi kung totoo yung feeling mo na mahal ka rin nya eh di sana hiniwalayan nya na si Missy PLUS hindi nya inaaya 'tong si Jack maging parte ng collection nya." Dismayadong sabi ni Nath na napahinga na lang ng malalim.
"Di ko naman itatanggi na mali ako. Pero hindi ko na alam. Di ko alam bakit ko hinayaang mangyari to." Sagot ni Jovey.
"Binalaan na kita Jovey. Sana inisip mo si Ben. Mahal na mahal ka nung tao. Hindi mo ba ramdam yun? May kulang ba at naghanap ka pa ng ibang magpupuno ng kailangan mo?" Hindi naman ako galit sa kanya, pero naaawa lang ako kay Ben.
Parehas namin silang kaibigan at ayaw namin ng ganito.
"Once na nasa isang relasyon ka na, in the first place bago ka pumasok, sure ka na sa taong pinili mo and ready ka to give your heart. Di ba ganon dapat?" Malungkot na sabi ni Sheela.
"Ilang beses na ba to ng nangyari Jovey? Di ba una pa lang sinabihan ka na namin? Kung di ka pa nakakamove on kay Luke, sana di mo muna sinagot si Ben. Bobo mo naman kung ipagpapalit mo yung ilang taon nyong pagsasama ni Ben para sa walang kwentang Luke na yan." Galit pa din si Mei sa nagawa ni Jovey.
"Ngayon ko lang naman hindi napigilan. Nadala lang ako. Sorry." Iyak nya samin.
"I don't think you still have feelings for Luke." Sabi naman ni Nath na umiiling.
"Tingin ko nadala ka lang nung eagerness na naipon mo mula noon hanggang ngayon. Yung kagustuhan mong mapansin ni Luke at mabigyan ng chance to try loving him." Dugtong pa nya.
"Pero see, anong kinalabasan? Masaya ka ba sa naging desisyon mo? Are you happy now?" Gigil na tanong ni Mei.
Tinapik ko si Mei.
"Hindi ako masaya. Pinagsisisihan ko yung nagawa ko. I cheated. Sorry." Sagot ni Jovey.
Niyakap na lang namin sya.
She was so hurt. For so long, yung kinikimkim nyang wishes to be with Luke happened pero in a way Ben was also hurt.
"Don't say sorry samin. Please, let Ben know all of your feelings." Sabi ko sa kanya habang yakap namin sya.
"A heart breaker, a play boy, a cheater, the worst man na walang salita ang aangkop sa kasamaan. That's Luke." Pagkaklaro ni Nath.
"Sana naging lesson na sayo to Jovey. Sana may natutunan ka. At sana matauhan ka. Real time!" At binatukan pa ni Mei si Jovey.
"Wag ka na umiyak Jovey. Kausapin mo si Ben mamaya about this. No secrets. Alam naming maiintindihan ka nya." Pagpapayo sa kanya ni Sheela na minamassage ang kamay nya.
"Andito kami pag kailangan mo ng back-up." I assured her.
Nginitian nya kami at tinawanan habang pinupunasan ang luha sa mata.
"Thank you." Sabi ni Jovey ng nakangiti.
Tinawanan na lang namin ang napagusapan kasi alam naman namin na magiging maayos din ang lahat.
Ilang oras din ang lumipas bago nakabalik ang mga boys.
"I've never ever experienced sweating inside a mall." Reklamo ni Jin pagdating.
Pawis ang mga damit nila habang bitbit ang mga grocery bags.
"San kayo galing?" Tanong ko kay Brikx na agad kong hinatak sa tabi ko.
Shet. Ang bango kahit pawis.
"Sa mall. Kaso malas namin sa haba ng pila sa hypermarket." Natatawang sabi nya.
Yung amoy nya, ewan pero nakakabuhay. Potek.
"Baka naman kulangin pa kayo dito ha!" Sigaw ni Aeron nang ilabas lahat ng pinamili nila.
Pizza ang burgers lang ang gawa sa binili nila, the rest kami na ang magluluto.
"Let me do the pasta." Proud kong sabi.
"No. I'll do it!" Pagkontra ni Aeron.
"Then lasagna na lang." Sagot ko naman.
"Nope! I'm in charge." Sabi naman ni Jeff.
"Yes naman! Marunong ka?" Pangaasar ni Mei.
"Oo! Expertise ko kaya 'to. And you'll assist me babe." Nakasmirk na sagot sa kanya ni Jeff.
Ayos ha. Mukhang chill lang ako today.
"Ako na magluluto ng chicken!" Masayang sabi naman ni Sheela.
"I'll join!" Parang batang sabi ni Nath.
"I'll prepare the rest." Sunod naman na sabi ni Jin.
"Wow! Kitchen people kayo?" Natatawa kong tanong sa kanila.
"Hayaan mo sila. Isipin mo na lang mga katulong mo sila." Pangaasar ni Brikx.
"Ang pogi naman ng katulong mo." Mayabang na sabat ni Jin.
Bumaba na rin sila sa kitchen para magasikaso while yung dalawa - Ben at Jovey, hinayaan na namin to take their time na makapagusap sa terrace.
Samantalang ako, naiwan sa kwarto para makapagpahinga daw.
Syempre kasama ko si Brikx.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Brikx habang nakatingin sakin.
Tumango naman ako sa kanya at nginitian sya para siguraduhin na ayos lang ako.
"Mabuti naman."
"Wag mo ko masyadong pinagaalala." Nakangiti nyang sabi bago haplusin ang pisngi ko.
Pakiramdam ko, biglang uminit ang mukha ko sa ginawa nya.
"Let's go on a date sa susunod na araw." Pagaaya nya.
Yung puso ko parang lilipad sa excitement.
Ewan ko ba pero parang hinihintay ko yung mga ganitong moment.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko na nagdadasal na sana bukas na agad.
"Secret." Sagot nya sakin.
Hinawakan nya ang kamay ko tapos hinalikan.
"I'll make you happy."
"And I'll take care of you."
Nakatingin sya sa mga mata ko na parang tumutunaw sa puso ko.
Iba yung saya sa pakiramdam pag nanggagaling sa kanya yung mga salitang nakakasawa pakinggan sa mga napapanood sa tv.
"Thank you Brikx."
"I promise, hindi kita iiwan." Sabi nya na hawak pa rin ang dalawa kong kamay.
"So promise me too, na hindi mo ko iiwan." Dugtong nya.
I was so happy and was so sad at the same time.
It was like my heart was torn a thousand pieces.
Pano ako mangangako kung hindi ko naman alam kung anong mangyayari?
BINABASA MO ANG
SMILE [COMPLETED]
Teen FictionA friendship is a ship that sunk but never sinks. In short sila yung the best! No matter what, sila yung mga taong di ka iiwanan. Palagi silang nandyan either para pangitiin ka or pakiligin ka. Depress, stress or heartbroken ka man you can rest assu...