[55] Last Dance

11 0 0
                                    

Jack's POV

Lumipas ang mga araw na super busy ang lahat para sa preparation ng prom.

Practice and venue designs at lalong nagpabusy sa lahat ang paghahanap ng perfect gown na isusuot nila.

Well, sabay-sabay kaming naghanap at nakahanap ng isusuot namin on the day nila Mei, Nath, Sheela and Jovey.

After all the pagod at stress, the day has come.

It's about 7 pm nang matapos ko ang paghahanda sa sarili.

Syempre hindi mawawala ang signature bold-wing eyeliner ko with matching matte brown-crease eye make-up, bushy brows and bronzed cheeks. Hindi tayo papatalbog sa mga haliparot sa paligid. At ang goal ko tonight and always ay ang full attention ni Brikx.

Getting obsessed ako lately sa looks ko kasi naman, gusto ko always maganda ako sa paningin nya.

Maya-maya, narinig ko ang busina ng kotse ni Brikx.

Lumabas agad ako ng kwarto at bumaba ng hagdan only to be welcomed by handsome man standing, waiting for me with his loving eyes.

He looks stunning in his white polo inside his coat na may 3 buttons na hindi naka-lock. His hair is gelled upwards revealing his super pogi na features.

He made the blood rush through out my body.

"Maybe we should just ditch the prom." Seryosong sabi nya habang nakatitig sakin paglapit ko sa kanya.

Natawa ako bigla at nakurot sya sa tagiliran.

"Bakit? Ano na namang trip mo?" Tanong ko.

"You're so hot that I think I'm melting." Seryoso pa rin ang tono nya and it made me blush.

Nahampas ko sya sa braso.

I had my hair pulled-up into a messy bun and since maikli ang hair ko, may mga strands na nakabagsak. But it made my hair look kind of fierce with my bangs down.

I was also wearing some bold red lipstick to match my black silk gown. Thin-strapped, v-neck that reaches above my stomach, backless, and it's fitted to show my curves plus there is a high slit up to my right leg. Di naman masyadong revealing kaya I feel comfortable naman lalo na on my black glittery stilettos.

"No jokes." Banat nya sabay hatak sa kamay ko para ilagay sa dibdib nya.

Ramdam ko ang tibok ng puso nya habang nakatingin sya sa mga mata ko.

"Ang h-harot mo no?!" Reklamo ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

Hinatak ko na sya para lumabas ng bahay pero he stood there.

"Dito na lang tayo." Napalingon ako sa kanya and napakunot-noo sa expression nya.

He was smiling seductively at me.

Umiwas agad ako ng tingin dahil baka matukso lang ako sa ngiti at tingin nya sakin.

"Wait." Hinatak nya ko ulit para iharap sa kanya bago kami sumakay sa kotse.

"Ano?" Iniwasan kong tumingin sa kanya kasi lalong kumakabog ng malakas ang puso ko, at nararamdaman kong unti-unting sumasakit ang dibdib ko.

"I love you." At hinalikan nya ako sa noo.

Napatingin ako sa kanya at huminga ng malalim.

"I love you." Hinalikan ko rin sya, pero I kissed him on the lips instead.

He smiled at me and escorted me sa car nya.

The whole time, I was smiling and blushing like an idiot.

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon