[4] Banal

25 1 0
                                    

Jack's POV

"I love you!" Malakas na sabi ni Missy habang naglalakad sila ni Luke sa gitna ng cafeteria.

As usual pinagtinginan sila ng mga estudyante.

Itong si Missy kasi walang ibang hobby kung hindi ang magpapansin.

At since nakakapisti ng sobra at masyado akong in the mood para maging GENIE nya na tutupad sa kahilingan nyang mapansin ng lahat, pumunta ko sa table namin malapit sa nilalakaran nila sabay malakas akong nagsalita.

"PDA alert!!!"

At ayun, namula sya sa inis.

Halata sa kulay nya kase maputi sya. Yung puti na parang kulang sa dugo, anemic yata yun?

Lalo syang pinagtinginan since sya lang naman yung nasa gitna.

"May problema ka ba sakin Jack?" Nanggigigil nyang tanong.

Di na sya nakapagpigil at nagmamadali syang naglakad papunta sa table namin ng

"Whoa!" Sigaw ng mga nakakita.

"Nadulas sya! What an accident!" Pangiinis ni Meilin na pasimpleng pumatid kay Missy.

Yan, dahil naghahangad sya ng attention, napagbiyan tuloy sya. Pero di pa siguro sya nadala.

"Kayong lahat! Ano bang problema nyo sakin?" Galit nyang tanong na namumula na.

Nagtinginan lang kami na nasa lamesa sabay tawa ng malakas.

"Pffftt. Nagtanong pa sya!" Malakas na sabi ni Nath habang hinahampas yung lamesa kakatawa.

Napatingin si Missy samin ng sobrang sama.

"Alam mo, liban sa mukha mo, wala na kaming problema." Natatawang sabi ko.

Lalapit pa sana sya samin ng pigilan sya ni Luke.

Napatingin sya ng parang ewan kay Luke bago mag walk out. Sinundan naman sya ni Luke agad.

"Boo!!!" Sigaw ni Mei habang palayo sila.

Natutuwa ko sa lahat ng scene just now liban sa pagsunod ni Luke sa bruhang yun.

Sya talaga may kasalanan nito. Bad influence sya kay Luke kaya naging ganito kami ngayon. Di ko lang maintindihan kung bakit kailangan masira yung friendship namin dahil lang sa babaeng yun. Okay naman lahat kaya lang sumulpot tong babaeng to and then boom, wala na. Impakta talaga tong Missy na to.

Tumatawa lang kami sa kalokohan namin ng biglang may mga sumulpot sa harap ng table namin.

"Guys, just asking. Why are you so happy na may napapahiya?" Tanong ni Cindy.

"Di ba ang sabi sa bible, we should love each other." Sabi naman ni Heidy.

There they go, ang pinaka iniiwasan naming troop sa campus. Cindy Reyes and Heidy Wilson, sila lang naman ang mga taong super ang bait. Nakakainis kasi masyado silang mga banal! I hate them pramis!

"Andito na naman sila!" Sabi ni Nath na napapailing.

"Mamen, nasusunog na ko." Sabi ni Mei habang nakatingin sakin.

Tinignan ko silang lahat na parang nagmamakaawa na para gumawa ako ng milagro para maglaho yung dalawa sa harap namin.

Agad akong nag sign of the cross sabay sabi ng malakas.

"Please po! Palayasin nyo na po yung mga masasamang impakto sa paligid namin!"

Nagtawanan na naman sila kaya instead na lumayas yung dalawa, ayun, nanermon.

"Di nyo ba nabasa sa bible guys na dapat magmahalan tayong lahat! It means ...." Di na sya natapos at nagtuloy tuloy na si Cindy at Heidy sa panenermon.

Maya-maya, di na talaga nakatiis si Sheela at mukhang naaawa sya sa mga itsura naming naiiyak na.

Daig pa namin yung nakapanood ng horror movie. Nakakatrauma.

"Tara na, may klase na tayo sa Filipino." Nakangiting sabi ni Sheela.

Nagmamadali kaming tumayo at naglakad palayo sa mga totoong horror ng buong campus o ng grupo lang namin.

"Grabe talaga!" Napailing na sabi ni Meilin habang naghihintay kami ng teacher.

"Kala mo naman kung sinong mga banal." Sabi naman ni Nath habang nakatulala kay Jin.

"Stop starring at me." Cold na sabi ni Jin habang umiirap.

Actually mabait yang si Jin, kaya lang nademonyo samin ni Meilin at nahawaan ng dalawang mahangin na si Jeff at Brikx.

"Ganyan talaga mga stalker pre!" Sabi ni Jeff na nakatingin kay Nath.

Sandali lang, lumipad na yung libro at lumanding sa ulo ni Jeff.

"Aray ko naman!" Sabi naman ni Jeff na kunwaring nasaktan ng sobra.

"Hoy! Wag mo ngang batuhin si Jeff." Utos ni Mei na may masamang tingin.

"Naks! Kayo na pre?" Pangangantyaw ni Brikx.

"Di no!" Mabilis na sagot ni Mei.

"Sagutin mo na kasi." Sabat ni Ben na may halong pangaasar.

"Bawal." Mahinang sabi ni Mei sabay yuko.

"Bakit?" Tanong ni Aeron na biglang napatingin sa gawi nila.

"Strict ang parents ko ii." Pabebeng sagot ni Mei habang hinahawi nya yung buhok palikod.

Nagtawanan kaming lahat sa pagkakasabi nya with full of emotions.

Naputol ang tawanan nang may biglang may pumasok sa isip ko.

"Guys, simba tayo sa linggo." Sabi ko out of nowhere na naghihintay ng sagot.

Kahit isang sagot wala kong narinig liban sa mga tingin nilang parang ewan.

"Yuck! Banal ka na din?" Tanong ni Nath.

"Duhh! Naisip ko lang kase, di pa tayo nagsisimba nang magkakasama." Sabi ko na nakataas ang isang kilay.

"Masusunog lang ako!" Sabi ni Mei.

"Ako na lang!" Sabi ni Brikx na parang bata.

"Lol. Lagi kaya kita kasama." Sagot ko sabay kurot sa tagiliran nya.

"Okay." Nakangusong sagot nya.

"Aww! Ang cute mo Brikx!" Sabi ni Nath.

"Teka lang! Jack! Help! Stalker ko na rin si Nath." Takot na sabi ni Brikx habang nagtatago sa likod ko.

"In your dreams! Kay papa Jin lang ako." Sagot ni Nath sabay lingon kay Jin.

"Yuck!" Nandidiring sagot ni Jin.

Nagtawanan na lang kami. Para kasing ewan yung reaction ni Jin. Ang manly pero ang bakla xD

"Kaklase pala natin sila!" Malakas na sabi ni Missy na nasa harap nakaupo.

Nakalimutan naming kaklase pala namin sila sa subject na to.

"As if na ginusto namin." Umiirap na sabi ni Nath.

"Assuming kase." Cold na sabi ng nakakatakot na si Jovey.

Nagtawanan na naman kami. Ewan pero puro kami tawa ngayong araw na to. Ang saya pag may nabubully na bully xD stress reliever lang.

"What ever." Sabi ni Pakyu na tumataray.

Pagkasabi nya nun, exactly pagtapos, tumayo si Heidy and Cindy galing sa row na malapit sa pinto.

"Guys! Magmahalan tayo! Wag kayo magaway!" Sabi ni Cindy.

Hindi lang kami ang napatingin at napailing, pati yung grupo nila Missy.

Tumayo sila agad at umalis ng room. Cutting siguro. Natakot din yata na baka maexperience yung naranasan namin. Good timing yung pagdating ng teacher namin, di kami nabigyan ng free bible study.

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon