[58] Smiley

26 0 2
                                    

Jack's POV

After everything that had happened, I can't believe na nandito kami ng tropa, nakatayo sa stage para kuhaan ng picture habang suot ang toga.

"Congratulations to all of our graduates!" Bati ni Miss Principal.

Nagpalakpakan ang lahat at kanya-kanyang umalis sa event area.

"Congrats mga anak." Naiiyak na sabi ng mama ni Sheela habang nakangiti sa aming lahat na may proud na pagtingin.

Sunod-sunod na bumati ang mga magulang ng tropa at isa-isa rin silang umalis para magcelebrate kasama ang pamilya.

Naiwan kami nina Zero at Brikx na kasama sina tito Marcus at tita Glaziel.

"Bakit parang ang lungkot mo naman yata? Ayaw mo pa bang gumraduate?" Tanong ni tito Marcus.

Natawa ako bigla at sabay naman akong inakbayan ni Brikx.

Umiling ako at ngumiti sa kanila.

Nakakalungkot din naman talaga dahil kahit sa graduation ko ay wala ang mga magulang ko. Si Zero na talaga ang pumalit para gampanan ang responsibilidad na dapat sa kanila.

Hindi ko na lang ipinahalata ang lungkot at sumama na lang kami ni Zero sa celebration na inihanda ng mga magulang ni Brikx.

As usual, buong angkan ni Brikx imbitado pati na ang mga katrabaho ng mama at papa nya.

"Hi! Im Samuel, you really caught my eye. May I ask for your number?"

Diretchong tanong ng isang lalaking nakasuot ng business suit na mukhang 'sing edad ni Zero.

Napatingin lang ako sa kanya na di alam ang isasagot.

"Uhm. You can ask my man." Nakangiting sagot ko habang papalapit si Brikx na may dalang inumin.

Napaatras sya nang kaunti paglapit ni Brikx sa akin.

Humawak sa bewang ko si Brikx at humarap kay Samuel.

"Hey! Congratulations. It's been a while Brikx and mukhang I missed a lot including you getting a hot girlfriend over here." Nakangiting bati nya.

Napatawa ng mahina si Brikx sabay lingon sakin.

"Yeah. You missed quite a lot!"

"This is Louiese, my love. Louiese, this is Samuel, our business partner's son and a close friend." Pagpapakilala nya samin.

Kumaway ako at ngumiti sa kanya.

"Medyo na disappoint ako, since she is already taken. But I can really say na you hit the jackpot." Compliment ni Samuel.

Di ko napigilan na kiligin bigla dahil sa tingin sakin ni Brikx na para bang proud na proud sya.

"Truth be told. I'm just so lucky." Sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Well, enjoy the rest of the night! I wish the best for the both of you."

Naiwan kami ni Brikx sa counter.

Pinaupo nya ako at iniharap sa kanya na nakatayo sa tabi ko.

"I love you."

Dahan-dahan nya kong hinalikan at napapikit na lang ako.

Tinulak ko sya nang mahina matapos akong mahimasmasan.

"Baliw ka talaga. Baka may makakita satin, nakakahiya." Natatawa kong sabi.

Ngumuso sya at tinignan ako na parang nalulungkot.

"Nahihiya ka ba dahil sakin? Satin?" Malungkot nyang tanong.

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon