[51] Birthday Rush

12 0 0
                                    

Jack's POV

"Happy birthday paps!" Sigaw ni Mei pagdating namin sa bahay ni Aeron.

Nginitian nya kami sabay tanggap ng mga regalo.

"Pagpasensyahan mo na, wala pang mas bago." Tumatawa kong sabi pagabot ni Brikx ng box na naka gift wrapped.

"Nagabala pa kayo." Sagot nya.

Dumadagundong ang bahay ni Aeron sa lakas ng music.

Medyo madilim sa bahay at blue lights ang buong paligid for the party.

"Orayt! Bottoms up!" Utos ni Jeff na may hawak agad na glass ng tequila.

Agad na ininom ng mga boys ang liquor sabay tawa.

"Ewan ko na lang talaga bukas." Nakablank face na reklamo ni Jovey.

"Panigurado sabog 'tong mga to sa campus." Nakasmirk na sabi naman ni Nath.

"Tara sa pool!" Pagaaya ni Sheela na nakakapit sa braso ni Zero.

Sumunod kami at dumiretso sa table na nakareserve para samin.

"Wow. Special." Natatawa kong sabi.

"Syempre, sino ba kayo sakin?" Nakangiting sagot ni Aeron sabay lapag ng bucket ng alak sa table

We're of legal age naman na kaya alcohol is fine, but with moderation. Na I don't think mangyayari.

Napailing na lang kami nila Mei na alam na ang susunod.

"Balikan ko kayo." Paalam ni Aeron para pumunta sa ibang bisita nya.

Madaming umattend sa birthday party ni Aeron as usual. Halos mapuno ng students ang bahay nya.

Off course, may catering, and may mga service attendees.

Maingay ang upbeat music, ramdam na ramdam mo yung party-feels. May mga nageenjoy sa pool since pool party ang theme ng 21st birthday ni Aeron.

Di mawawala sa eksena yung mga bichesa na ewan ko ba kung bakit nakapasok sa palasyo na'to.

"Hi Brikx!" Matinis na bati ng tatlong haliparot na dumaan sa table namin para magpacute sa katabi ko.

Tinignan ko sila ng masama.

"Mga parrot!" Sigaw ko pagkalayo nila.

Syempre, tinawanan ako ng tropa na kahit busy sa pagkukwentuhan at pagiinom, nakikinig sa nasa paligid nila.

Bigla ko na lang naramdaman yung paghatak sakin ng katabi ko.

Inakbayan nya ko sabay bulong sakin.

"I love you." Nginitian nya ko pagtapos halikan sa baba ng tenga.

"Hoy! Manyak ka talaga." Pagrereklamo ko sabay tulak sa kanya.

Tinignan nya lang ako at lalong nilapit sa kanya.

Lumapit sya para bumulong sakin pero wala kong narinig.

Nararamdaman ko yung paghinga nya at naririnig ang hangin malapit sa tenga ko.

Ilang segundo lang, naramdaman ko yung labi nya sa leeg ko.

He kissed me on the neck.

"Shit! Get a room guys!" Sigaw ni Mei na nanlalaki ang mata sa tapat namin.

Tinulak ko bigla si Brikx at tinawanan lang ako ng mokong.

Hindi naman sya mukhang lasing. Sadyang malakas na naman ang trip ng isang 'to.

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon