[50] Heaven

12 0 0
                                    

Jack's POV

Lately, madalas na yung sudden attack na nararamdaman ko. But I was enjoying my life, my moment with the people I love kaya naman hindi ko na napapansin yung sakit.

It was just last night when I had the attack but Zero was with me that time and napigilan nya yung pagdiretso ko sa langit.

Actually, parang hindi naman ako sa langit mapupunta. I was a bad guy kaya baka sa impyerno talaga ako mapunta.

"Gago yung locker ni Missy puro harina." Tumatawang pagmumura na naman ni Mei habang nasa table kami ng cafeteria.

Sinamaan na naman sya ng tingin ni Jeff.

"Wag mong pagsisihan kung may magagawa ako sayo ha." Pananakot ni Jeff.

Natawa kami sa kanila.

"Hoy naguumpisa ka na naman." Panenermon ni Aeron.

"Sawayin mo nga yan Brikx." Utos ni Jovey sabay hampas sa katabi ko.

"Bakit ba ang hilig nyo manakit? Ben yung jowa mo!" Reklamo ni Brikx sabay tingin ng masama sakin.

"Bakit na naman?" Tumatawa kong tanong.

Nakakamiss din yung mga gawain namin, kaya yun, ginawa ko ulit.

I'm enjoying my life.

"Tumigil kayong dalawa ha." Pagawat samin ni Jeff na may masamang tingin.

"Pfft." Nagreklamo si Mei kaya nakatanggap sya ng hampas galing kay Jovey na nasa tapat nya.

"Pasaway nyo." Side comment naman ni Sheela na super vibrant ng aura today.

"Sana all bagong dilig!" Pangaasar ni Nath na tulala na naman sa nasa harap nya.

"Lantang-lanta gorl?" Natatawang pangiinis ni Mei sa kanya.

"Tigilan mo ko ha! Fafa Jin oh!" Nilakihan nya ng mata si Mei at nagsumbong sa lalaking natatawa sa harapan nya.

Maya-maya, may dumaan sa harap ng table namin na may masamang mga tingin.

Si Missy na puro harina ang legs, si Patricia na umuusok ang ilong at tenga, at si Raeko na kulang na lang wag na magsuot ng skirt.

Dumaan lang naman sila, kasi wala rin naman silang palag.

"Jack!" Napalingon kami sa familiar na boses na tumatawag sa pangalan ko.

"Hey!" Masayang bati ko.

Bigla akong hinatak ni Brikx sa tabi nya ng sobrang lapit sabay yakap ng mahigpit.

"Oy ano ba?" Natatawang sabi ko habang tulak sya palayo.

Tinawanan kami ni Lance na palapit sa table namin.

"Anong kailangan mo?" Tanong ni Brikx.

"May I borrow Jack for a while?" Mahinahon nyang tanong sabay abot ng letter samin.

"The Music Department was asking for us to perform an original sa prom night." Dugtong nya.

Tinignan ko yung letter na may seal ng head ng music dept.

Before, oo agad ako sa offer kung gusto ko, but everything is different now.

"Urgent ba 'to? Cause I have to ask someone about this pa kasi."

Biglang nagtilian sila sa table na parang mga baliw.

"Yiieee. Ang harot." Pangaasar ni Sheela.

Tinignan ko si Brikx and he was just starring at me with his hands on my waist.

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon