[59] Bonfire

10 0 0
                                    

Jack's POV

"Shet! Ang ganda talaga ng beach house nyo fafa Jin." Sigaw ni Mei habang tumatakbo palayo samin, papunta sa tabing dagat.

"Babe, wag ka masyadong excited!" Paghabol naman ni Jeff sa bebe nya.

Maaga kami nakarating sa beach house nina Jin, dahil na rin sa pag-offer nya ng place ay dito na nga kami tumuloy para makapag-unwind.

"Akin muna si Smiley ha!" Pagpapaalam ni Jovey na buhat-buhat ang baby dog ko.

"Bilhan mo na kasi ng alaga yan si Jovey." Nakangiting sabi naman ni Sheela kay Ben na tuwang-tuwa sa jowa nya.

"Tsaka na siguro, pag nabawasan na pagiging sadista nya." Tumatawang sagot ni Ben.

Tinignan sya ng masama ni Jovey at sabay na hinabol si Ben kasama ni Smiley.

"Ganda naman ng ngiti ng baby ko." Pinisil ni Brikx ang magkabilang pisngi ko sabay halik sa labi.

Natulala ako sa ginawa nya sa harap pa mismo ng tropa.

"Oh no! PDA! Get a room guys!" Reklamo ni Nath na naglalaro sa buhangin.

"Inggit ka lang ata, gusto mo din ng kiss?" Pangaasar naman sa kanya ni Jin.

At syempre, nagblush na naman si Nath, as always.

Pagtapos naming ayusin ang mga gamit sa loob ng bahay, nagsimula na rin maghanda ng pagkain ang mga chef na kasama namin.

"Chef Aeron and Zero in the house!" Sigaw ni Meilin na may kasamang pagpalakpak habang pinapanuod maghiwa ng mga ingridients at magsimulang magluto ang dalawa.

Seaside grill ang tema ng cooking show nila Aeron at Zero.

"Mmm. I like the way he cuts the pork. Very smooth! Five star for me." Feeling judge the comment ni Nath habang nakaupo sa buhangin na nanunuod sa mga self-made chefs.

Pumalakpak naman si Sheela sabay bato ng buhangin sa katabing madaldal.

"Nice abs! I like it." Sigaw ko naman.

"Very sculpted, very yummy!" Sabat din ni Mei na nasa tabi ko.

Nag-apir kami pagtapos magkatinginan.

Bigla naman tumayo ang dalawang mokong na nasa gilid namin at naghubad to reveal their abs.

"Perfect! Perfect!" Sigawan naming mga girls na pinapanood sila habang nag-gigrill ng pork.

"Abs lang pala." Side comment ni Ben na nakahiga sa lap ni Jovey na busy magbasa ng libro.

"Okay na ba sayo to babe?" Hawak ni Jeff ang isang piraso ng pork na nakatapat sa abs nya.

"Ay bet! Naol nag-rereveal ng abs." Hirit naman ni Nath.

"Parang ang init ng panahon no? I think I need to cool down." At tumayo na rin si Jin para makisali sa abs showdown ng mga feeling chef.

Nagtawanan na lang kami sa mga trip nila.

We ate after nila magluto and super saya to feel we are all here and together.

"I really hope we can have something like this once in a while. I know magiging busy na kayong lahat and we can't always be together." Medyo emotional kong banat na nagpahinto sa pagkain nila.

Nagkatinginan silang lahat at nagtawanan.

"Nasa beach tayo para mabasa ng tubig-dagat, hindi para mabasa ng luha!" Sigaw ni Sheela.

"Truth! Don't be OA! Magkakasama tayong lahat habang buhay!" Sabi naman ni Nath.

"Hanggang sa kamatayan!" Biglang sigaw ni Mei habang hawak ang isang bote ng wine.

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon