[11] Si Zero

21 0 0
                                    

Jack's POV

"Buti naman gising ka na Jack. Ano ba nangyari?" Nagaalalang tanong ni Sheela.

Nagising ako sa isang familiar na kwarto.

Medyo nagpanic ako dahil kulay puti ang pinta ng paligid.

Shit.

"Hoy!" Sigaw ni Mei habang hinahampas ako sa braso.

"Ouch! Nasaan ako?" Tanong ko na nakahawak sa braso ko.

"Bobo! Nasa ospital ka! Di mo ba feels?" Pambabara ni Meilin.

"Pota! Anong ospital? Di naman siguro mental hospital to di ba?" Nagpapanic kong tanong.

Nagtinginan sila sabay nagtawanan.

"Sabi sa inyo e. Maling hospital pinagdalahan nila sa kanya." Blank face na sabi ni Meilin bago tumawa.

Dahil mahal ako ni Jovey, alam na. Nahampas na naman sya ni miss iron fist/ sadistang bwakaw.

Natawa na lang ako sa kanila.

"Ano ba kasi nangyari sayo dude?" Tanong ni Jovey.

"Ewan ko! Bigla na lang akong inantok tas paggising ko andito na ko." Tumatawang sabi ko.

"Mamen! Malala na yata yan. Gusto mong samahan kita bukas sa pasay mental hospital?" Pagaaya ni Meilin.

Dahil sa sinabi nya, nahampas na naman sya ni Jovey.

"Magsalita ka pa ulit!" Natatawang sabi ni Sheela kay Mei.

"Teka. Asan si ..." Nagdadalawang-isip ako kung babanggitin ko ang pangalan  nya.

"Si Luke ba?  Ayun binugbog lang naman ng fafa Brikx mo na tinulungan ni bebe Jeff ko kaya nagfly-away faraway!" Sabi ni Mei na may mga kasama pang action.

"Ang OA mo naman!" Panghahampas ni Jovey.

"La? Binugbog talaga?" Tanong ko namang di naniniwala.

Parang di kasi kapanipaniwala pagkukwento netong isa.

"Oo nga! Ayaw pa maniwala." At dahil si Sheela ang sumagot, naniwala si ako.

"Eh nasan si Brikx?" Tanong ko.

"Kausap yata ng doctor." Sagot ni Jovey na busy na naman sa gadget nya.

"Sila Ben? Jeff? Jin? Si Aeron?" Sunod kong tanong.

"Nasa labas." Sagot naman ni Sheela.

Tumango lang ako.

Maya-maya pumasok si Brikx at nagpaalam yung tatlo na lalabas muna.

"Yow!" Nakangiting sabi ko pag pasok nya.

"Pwede ka na i-discharge sabi ng doctor." Sabi nya habang umuupo sa tabi ng kama.

"Ah. Di ka galit?" Tanong ko sa kanya.

Nakangiti lang ako sa kanya.

Naghihintay ng sagot.

Pero di sya sumagot.

"Eh? Sino nga pala yung doctor?" Tanong ko ulit.

"Dr. Edward Santiago." Matipid nyang sagot.

Relieve kahit konti.

Alam na siguro ni doc kung anong dapat sabihin sa hindi.

Natahimik kami sandali.

Di ako pinapansin ni Brikx e.

"Oyy! Sorry na!" Naglalambing kong sabi.

"Tss. Wag mo ko kausapin." Nangiisnob nyang sabi.

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon