[30] Plastic Incorporation

11 0 0
                                    

Jack's POV

5 am pa lang gising na ko.

7 am pa naman ang pasok namin kaya may 2 hours pa ko. One hour sa exercise at one hour para sa pahinga.

Nagbihis ako ng black shirt at jogging pants in dark brown. Syempre tinupi ko yung dulo ng pants hanggang tuhod para RAK!

Tumakbo ako paikot ng subdivision. Medyo madilim pa at malamig kaya enjoy ako.

Nakasalpak lang sa tenga ko yung earphone ko habang pinapatugtog ko yung playlist ko na puro rock songs.

Nadaan ako sa playground kung saan kami nagusap noon ni Luke.

Napailing na lang ako. Nakakaalala ako ng di ka nais nais na mga alaala. Ayoko pang masira ang mood ko para sa araw na to kaya dinama ko ang music at napapikit pa habang tumatakbo.

Feeling ko nasa concert ako. Feel na feel ko talaga yung music na sobrang rock and roll.

Kaya lang, bigla akong bumangga sa kung saan.

Napahinto tuloy ako sa nangyari.

Hindi ko alam kung saan ako bumangga na muntik pa kong matumba sa lakas ng impact. Solid talaga kaya napatingin ako sa nakaalalay sakin.

Hawak nya ko sa braso para hindi matumba ng tuluyan.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Luke.

Oo. Si Luke.

Hindi ako nakapag salita sa pagka bigla ko sa kanya.

Tumango na lang ako.

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo." Tumawa sya bago umalis.

Napatingin na lang ako sa kanya.

Anong ginagawa nya dito? Nakakaintriga naman mga tao ngayon.

Tumakbo na ko ulit at umuwi na sa bahay. Nagready na ko sa pagpasok.

"Hoy!" Sigaw ni Nath sa harap ko.

"Tulala na naman sya!" Sabi ni Ben habang kumakaway sa mukha ko.

"Wala na naman sa hulog tong isang to." Sabi naman ni Aeron na katabi ko.

As usual nandito kami sa cafeteria at nakatambay lang.

Nakatulala lang ako at wala pa ring imik.

Iniisip ko kasi kung bakit nandun kanina si Luke at kung bakit wala pa si Brikx.

"Hi guys! Kamusta Christmas vacation?"

Hindi ko pa nakikita kung sino, alam ko na kung kaninong ang nakakairitang boses na yun.

At take note, dama ko palagi yung aura nyang malandi.

"Yow Messy! Whatcha doin hea?" Panginis na sabi ni Nath.

"Wala lang. Gusto ko lang maging close sa inyo."

Nakatingin ako sa kanya na nakataas ang isang kilay.

Ngumiti sya at umupo sa tabi ko.

"Lalo na sa best friend ni boyfiiee." Malandi nyang sabi.

Natawa ako bigla sa sinabi nya.

Tinulak ko sya paalis.

"Talaga lang?"

"Bye na nga muna. Bye Jackie." Isa pang malandi nyang sabi.

Buti nakaramdam sya.

Lumayas sya at di na talaga ako nakapagpigil.

"Puta. Nakakagago yung tangnang yun ah!"

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon