Jack's POV
"Anlamig!" Sabi ko habang nakapikit.
Maya-maya, naramdaman kong may yumakap sakin. Uminit konti kaya napangiti ako. Gusto ko pa matulog.
Inaantok pa ko.
"Pahigpit Mei!" Utos ko since sa tingin ko si Mei ang kayakap ko.
Himigpit nga yung yakap kaya enjoy ako. Saya makipagyakapan. Charr.
"Ano ba Jeff? Nakikiliti yung tenga ko." Mahinang sabi ni Meilin na medyo natatawa.
"Jeff naman." Sunod nya pang sabi.
Naramdaman kong may konting paggalaw sa kabila. At pati yung boses, galing sa kabila.
Ten minutes later? Tsaka lang nag-sink in sa utak ko.
Hindi si Meilin ang kayakap ko.
O.O
Napadilat ako ng wala sa oras.
Curiousity kills.
Madilim pa sa kwarto dahil sa black na kurtina sa bawat bintana.
Napatingin ako sa kayakapan ko.
Oo. Hindi nga si Meilin. Hindi nga sya. Si Brikx. Si Brikx ang kayakapan ko.
Matatawa sana ko kaso napansin kong natutulog pa pala sya.
Anong oras na rin kasi silang natulog kakanuod.
Dahil masaya kayakap si Brikx, inenjoy ko na.
Haha. Wala naman samin to. Sanay na kami XD magbespren kami er.
Iniwasan kong gumalaw since parang ansarap ng tulog ng mokong na to at kawawa naman sya pag nagising. Naisip ko pa ngang bumangon dahil gusto ko sana gumawa ng breakfast para sa kanila kaso narealize ko na masyado kaming close ni Brikx na nagpapahirap sakin para gumalaw.
7 am pa lang naman kasi. Maaga pa at ako pa lang ang gising.
Pinilit kong pumikit at matulog ulit pero di ko na makuhang matulog. Nagising na nga yata ng tuluyan ang diwa ko.
No choice.
Hihintayin ko na lang silang magising.
Enjoy na lang muna ako kakayakap at kakatingin sa mukha ng mokong na to.
Pinanuod ko lang na matulog si Brikx.
Tinitigan ko ng maayos ang mukha nya.
Ang tangos pala talaga ng ilong ng bespren ko. Lalo na sa close view.
Ang kinis ng mukha nya, ang ganda ng shape ng kilay at medyo mahaba ang pilik mata.
At yung lips nya, medyo pinkish. Ang ganda.
Haha. Ansama ko tuloy. Feeling ko sa tinagal-tagal naming magbespren di ko man lang nabigyang pansin yung facial features nya.
Ang gwapo nga naman ng bespren ko.
"Pinagnanasaan mo ba ko?"
Nabigla ko sa narinig ko. Akala ko tulog, gising naman pala.
"Ano?" Tanong nya na nakapikit.
Natawa ko bigla.
Lumapit ako sa tenga nya at bumulong.
"Asa ka."
Dahil sa sinabi ko, lalo nya kong niyakap ng mahigpit papalapit sa kanya.
Di ako makaalis kasi ang lakas nya.
BINABASA MO ANG
SMILE [COMPLETED]
Teen FictionA friendship is a ship that sunk but never sinks. In short sila yung the best! No matter what, sila yung mga taong di ka iiwanan. Palagi silang nandyan either para pangitiin ka or pakiligin ka. Depress, stress or heartbroken ka man you can rest assu...