Jack's POV
Hawak nya pa rin ang mga kamay ko at nakatingin sya mga mata ko na parang unti-unting lumulunod sa akin.
Dahan-dahan syang lumapit at ramdam ko ang paghinga nya.
Pinikit ko ang mga mata ko at naghintay habang kumakabog ng malakas ang puso ko.
"Pota! Sana in-inform nyo kami."
Napausog ako ng mabalis pagkarinig sa boses ni Mei.
"Pwede naman kami bumalik after an hour or two, depende sa inyo." Tumatawang sabi ni Aeron paglapag ng snacks sa sofa.
Natawa na lang ako sa hiya.
Kahit na magtropa kami ng mga 'to, ayoko pa din ng masyadong lantaran na harutan.
Halos 8 pm na rin sila dumating.
"Sana all happy." Pangangantyaw ni Jeff kay Nath na dikit na dikit kay Jin.
Napalingon sya saming lahat na nakatingin sa kanila.
"Che! Ang lakas ng trip nyo ha." Nagbublush nyang sigaw.
"Yieee. Kayo na ba?" Tanong ni Sheela na nakasandal kay Zero.
Hindi nakasagot si Nath at kumain na lang bigla ng chips.
"Ang harot! Pota!" Biglang binato ni Mei si Nath ng unan.
Nasa kwarto kaming lahat ni Brikx at namimili ng movie na papanuorin.
"Oo na! Happy?" Sagot ni Nath habang namumula ang pisngi.
"Iba ka talaga Jin. Nauna ka pa magkajowa kaysa sakin. Ikaw rin Brikx, pare feeling ko kayo na ni Jack, ayaw nyo lang aminin. Ako? Eto halos isang taon na nanliligaw dito pero wala pa rin." Reklamo ni Jeff.
"Sad boy ka na nyan?" Pangaasar ni Jovey.
"Edi tumigil ka na, pinipilit ba kitang ligawan ako at maghintay?" Tumaray si Mei at akmang tatayo paalis.
"Joke lang babe. Eto naman di mabiro. Masaya lang ako para sa mga tropa nating may lablayp." Yakap ni Jeff si Mei habang naglalambing.
"Hindi sa pagmamayabang guys, I feel like masasayang yung opportunity kung di ko agad sasagutin si fafa Jin." Pag e-explain ni Nath.
Napakunot noo naman si Jin sa sinabi ng katabi nya.
"Feeling ko kasi baka bigla nyang bawiin yung proposal nya kaya grinab ko agad." Tuloy pa ni Nath.
Biglang kinuha ni Jin yung chips na hawak ni Nath at itinabi sa gilid na para bang galit.
Napaharap sa kanya si Nath na balak pa sana agawin yung chips, pero nagbago ang isip nya nang makita ang reaksyon ni Jin.
"Yun ba talaga ang iniisip mo? You think gano'n akong klase ng lalaki?" Seryosong tanong ni Jin.
Umiling si Nath na parang nagmamakaawa ang tingin.
"I'm not the type na magbibitaw ng salita na hindi pinagiisipan. Kung hindi ako seryoso sayo, tingin mo bakit ko sasabihin yun just to have you?" Seryoso pa rin si Jin.
"Oh no." Pananakot ni Mei na nabatukan agad ni Jovey.
"Alam mo din naman na ever since who knows when, na I really like you. So much that I am falling everyday that I wish na gano'n ka rin sakin. I guess, ayoko lang palampasin yung chance." Sagot ni Nath.
Hinatak sya bigla ni Jin at niyakap. Lalong nagblush ang lola nyo.
"Yiiieeee!" Tilian namin.
"Bwisit kayo!" Sigaw naman ni Nath pagkalas sa yakap.
BINABASA MO ANG
SMILE [COMPLETED]
Teen FictionA friendship is a ship that sunk but never sinks. In short sila yung the best! No matter what, sila yung mga taong di ka iiwanan. Palagi silang nandyan either para pangitiin ka or pakiligin ka. Depress, stress or heartbroken ka man you can rest assu...