Chapter EightPATCH
"Bakit naman ganito ang regalo mo sa akin? Nag-aksaya ka lang ng pera mo, bes! Alam mong di ako nagsusuot ng ganyan." =_____=
Nandito ako sa bahay nila Aicel. Birthday niya ngayon at 20th Wedding Anniversary ng mama at papa niya, kaya buong araw sila nagcelebrate. Hindi na nga siya pumasok para ma-entertain ang mga bisita niya at ng parents niya. Ako naman, kakagaling ko lang ng school at dumerecho agad dito sa kanila. Half day lang ako para makasama si Aicel. Buti na lang may dala akong pamalit ng damit.
"Wala man lang bang thank you? Binili ko yan para susuotin sa Christmas Ball natin sa December 23 kaya wag ka nang makulit diyan." sabi ko.
Hindi uso samin ang Christmas Party e, kasi Christmas Ball ang cinecelebrate ng school. Ang attire don ay formal dress. Kaya ko nga binili si Aicel ng heels eh, kasi baka mag-sneakers yun sa ball tulad nung ball namin last year. My gash! Sumasakit daw ang paa niya sa heels kaya nag converse siya. Cute namang tignan pero mas maganda pa rin kung naka-heels diba? :-)
"Sasakit lang paa ko diyan." Reklamo ni Aicel habang naka-pout pa. Haha. Cute talaga ng bestfriend ko pag naiinis.
"Nako! I can handle it. Dadalhan kita ng isang box ng band aid. Basta susuotin mo yan sa Christmas Ball." Push ko talagang mag-suot ang bestfriend ko ng heels sa Christmas Ball.
"Ayoko nga! Patch naman ehhhhh."
"Wag ka ng makulit. Hahaha. Naiimagine kita, bes. Ang ganda ganda mo siguro. Baka matibo ako sayo! Excited na ako. Hihihi." Parang nagka-twinkle pa yung mga mata ko nang maimagine kong suot ni Aicel ang dress at ang regalo kong heels sa kanya. She’ll be gorgeous!
"Aish. Ewan ko sayo! Kumain ka na lang dun ha." Haha. Talo na to sakin!
"Yup, sure sure. Haha!"
Pupunta na ako sa table para kumuha ng pagkain nang biglang tumunog ang cellphone ko. Rumihistro ang pangalan ni Lewis sa screen ng phone ko kaya agad ko itong sinagot.
"Hello? Lewis, napatawag ka? Bakit?" Pambungad ko.
"Where are you?! I've been searching for you." Oo nga pala’t hindi na ako nakapag-paalam sa kanya dahil nagmamadali akong umalis ng school kanina.
"Sorry, hindi na ako nakapagpaalam sa inyo. Andito ako kela Aicel. It's her birthday today, remember? And her parent’s anniversary na din. May konting salu-salo kasi eh."
"Ahh. Oo nga pala! Call me pag uuwi ka na ha para masundo kita."
"You don't need t---"
"Wag makulit. I'll pick you later. Call me. Bye." at inend na niya yung call.
“Nako hijo, pasok ka muna.” Napatingin ako sa may pintuan ng bahay nila Aicel and to my surprise!! What is he doing here?LEWIS?
Magf-four:thirty pa lang nang makita ko si Lewis na kasama ang mama ni Aicel na pumasok sa bahay. Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito. I mean, bakit biglaan naman? Sabi niya kasi sakin, tawagan ko daw siya pag uuwi na ako. Uuwi na ba ako? Tumawag na ba ako? Hindi naman ah. Eh, bakit siya andito?
"Lewis! Bakit ka andito?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
Kunot-noo siyang lumapit sa akin. "Kanina pa ako nagtetext sayo, di ka naman nagrereply kaya pinuntahan na kita. Tsaka bibigay ko rin kasi tong regalo ko kay Aicel." Pinakita niya sa akin ang regalo niya kay Aicel.
"Eh diba sabi mo, tawagan kita pag uuwi na ako?"
"Hindi na kasi ako makatiis pang hindi ka makita kaya dumerecho na ako agad dito. Sorry kung walang prior notice. Haha!"
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.