[10] But in my world, there is only you.

8.4K 112 20
                                    

Chapter Ten

SAGE

Nang madala na namin ni Lewis si Aicel at Patch sa clinic, nag-paalam kami kay Patch na lalabas muna upang makapag-usap. Wala pa ring malay si Aicel. Nag-aalala na ako sa kanya lalo na’t biglaan lahat ng nangyari. In just one snap, she fainted? At bakit nga ba siya nawalan ng malay? Nakakaasar talaga tong babaeng to, lagi na lang niya akong pinag-aalala!

"Anong nangyari?" Hindi ko na napigilang magtanong pagkalabas na pagkalabas ng clinic.

"Hindi ko sinasadya. Nagpanic kasi ako nung makita ko si Patch na nalaglag kaya bigla kong naibato yung bola kung saan. Hindi ko naman alam na si Aicel ang matatamaan kaya knocked out.” Explain nito. Muka rin namang nag-aalala si Lewis para kay Aicel. Naiinis tuloy ako.

“Ah. Akala ko kung ano na.” Somehow, I feel relieved.

“Anong nangyari kay Patch?” Tanong nito.

I sighed. "Napatid ako at na-out of balance. I lost my control at di ko namalayang malapit ako sa cheerdancers. Hindi ko rin alam kung sino ang nakapatid sakin." 

He paused. Nanlaki ang mata niya nang may maalala siya. "Wait, I saw Geleen behind you. Hindi kaya?"

Napailing ako. "Pare naman, hindi mo nakita yung totoong nangyari kaya wag natin pagbintangan ang ex-girlfriend mo."

"Hindi kasi sila magkasundo ni Patch dahil sakin." 

“Patay na patay pa rin sayo si Geleen no?”

Lewis nodded. “Yeah. Kaya hindi mo naman ako masisisi kung mapagbintangan ko siya. She even slapped Patch last time. Hindi ko na alam kung anong kaya niyang gawin.”

Wait, ano daw? “Sinampal niya si Patch?!”

“Oo. As much as I wanted to hurt her, hindi ko naman magawa. Babae pa rin yon at minahal ko yon. But what she did to Patch is out of bounds.”

“I get it now. Just be there for Patch. Huwag mong unahin ang galit mo.” Ito kasi ang problema kay Lewis e. Madalas inuuna niya ang emosyon niya kaya padalos-dalos. Minsan hindi na iniisip ang ginagawa at ang maaring maapektuhan sa gagawin niya.

“I will. Kahit di mo sabihin sa akin.” Natawa naman ako sa reaction niya. “Huwag mong pababayaan si Aicel. Bestfriend yan ni Patricia. Ang umaway kay Aicel, kaaway ni Patch. Ang kaaway ni Patch, kaaway ko na rin.”

“Hey! I’m your bestfriend!” Kakainis to! Ipagpapalit talaga ako sa isang babae.

Tumawa ito ng malakas. “I know. Haha! But Patch is my soon-to-be-girlfriend.”

“You’re full of yourself.” (--.)

“Nope. I’m just confident and I have trust in myself. Dapat ganon ka rin.”

“Ganun rin ako no!” (=_=)

“Pero torpe ka!” That hit me.

“That’s below the belt, Gil!” Kunwari’y nagalit ako sa sinabi niya. Hahaha.

Oo na, ako na torpe! Ako na ang nagdadaan sa pangtitrip pag may gusto akong babae.

Lalo lang nang-asar si Lewis sa katorpehan ko. Ang alam lang kasi niya may mga flings ako. Pero never akong naging seryoso sa isang babae. Never akong umamin sa isang babae ng seryoso. Kasi sa kabila ng pagiging slight babaero ko, may ka-torpehan rin akong taglay.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap at pang-aasar ni Lewis sa akin, biglang lumabas yung nurse.

"Mabuting iuwi niyo na muna si Patch sa kanila upang makapagpahing siya. She'll be fine after two to three days." 

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon