[57] If you give me a chance I can love you right.

3.1K 71 22
                                    

Chapter Fifty Seven

BENCH

“Sandoval, hindi ka pa ba napapagod?” Napatigil ako sa paglalakad dahil tumigil rin si Thea. Sinamaan niya ako ng tingin. “Ang init init, puro ka lakwatsa!”

Tinignan ko siya ng may halong pagtataka. Nagla-lakwatsa ba ako/kami ngayon? Kung ito ang tawag ni Thea sa date, edi sige lakwatsero na nga ako. Haha.

“Ano bang pinaglalaban mo, Castillo?” (-___-’)

“Eh kasi naman ang init init tapos paikot-ikot pa tayo sa school grounds.” Hinila niya ako paupo sa isang bench upang magpahinga. Pinaypayan niya ang sarili niya. “Sumasakit ang ulo ko.”

(O//////////O)

“OH MY GAHD!” Agad kong kinuha ang inhaler ni Thea sa bulsa ko at binigay sa kanya. “Take this and rest for awhile. Babalik na tayo sa Cafe after.”

She used the inhaler. Kumuha ako ng panyo sa bulsa ko at pinunasan ang pawis na tumutulo sa noo niya. Darn! She’s tired. Kasalanan ko to e. Kung hindi ko siya pinilit na mag-gala sa School Grounds nang tanghaling tapat, edi sana hindi siya mapapagod ngayon.

“A-Anong ginagawa m-mo?” Hindi ko siya pinansin at tinuloy ko lang ang pagpupunas sa noo niya.

“Sorry, Thea.” I looked at her and held her face. “Gusto ko lang naman na makasama ka e. Hindi ko sinasadya na makalimutang mabilis ka nga palang mapagod.”

She didn’t reply. Instead, she smiled at me and hugged me.

(*o*) OH MY!

My heart! It beats, beats for only her! Wohooooo!

“Thank you, Bench.” She whispered.

Napangiti ako doon. “Is that your way of saying yes to me?”

“H-Ha?—Ay!” Agad siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at nakatanggap ako ng isang malakas na hampas sa balikat. “HINDI NO! ASA KA.”

Ganito siya manlambing sa akin e. Hampas dito, sipa doon, suntok dito, sabunot doon. Masaya naman ang buhay ko. Makulay! Parang rainbow na nga ang kulay ng mga pasa ko. Hahaha! Joke.

“Akala ko naman yun na yun e.” I grinned, teasing her more.

“Tse!” Inirapan niya ako saka ibinalik ang inhaler sa akin. “Salamat.”

Ibinulsa ko na muli ang inhaler niya. Simula kasi nang malaman kong hinihika si Thea lalo na noong gabing hinila ko siya papunta ng The Plaza, nakaramdam ako ng sobrang kaba at takot dahil nahihirapan siyang huminga. Kaya, mayroon na din akong spare inhaler para sigurado kung wala mang dala ang babaeng ito. Haha.

Nagtataka ba kayo kung bakit bigla akong nakipag-ayos kay Thea?

May na-realize kasi ako. Yeah, I realized that I’ve been fooling myself all this time. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na okay lang kahit wala siya sa akin. Okay lang kahit hindi na kami. Wala nga din akong pakialam kung ligawan pa siya ng magaling kong kapatid e. Sus! Madami namang ibang babae diyan e, hindi lang siya. Pero nang makita ko sila ni Xander sa mall (remember noong nagpasama ako kay Sage upang manmanan ang date nila Thea at Xander), doon ako nakaramdam ng matinding—ugh—selos.

At doon ko sinasabi sa sarili ko na sa dami ng babae sa mundo, wala na akong ibang gusto kundi siya. Si Thea lang talaga. Akala ko dati hindi ko na siya mahal. Yun pala, hindi naman ako tumigil sa pagmamahal sa kanya. Niloloko ko lang ang sarili ko na magiging okay ang lahat. Pero, hindi e. Magiging okay lang ang lahat, kung si Thea ang makakasama ko.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon