Chapter Thirteen
PATCHI was stunned, and shocked was all over my face. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Tila nabato ako sa kinatatayuan ko. I am seeing these people, and pity for me is everywhere. Ayoko ng ganitong klaseng atensyon. Hindi ako ipinganak para kaawaan at paglaruan.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Gusto ko ng umalis sa harap ng mga taong ito. Pero hindi ko alam kung paano, bakit ba hindi ako makagalaw?
My eyes went blurry dahil sa mga luhang gusto nang kumawala sa aking mga mata. Asaan ka na ba? Bakit wala ka pa?
Naiyak na ako nang may biglang magpatong ng jacket sa mga balikat ko. Naka-akbay siya sa akin ngayon at inaalalayan niya akong makababa ng stage. Ikaw na ba to?
“Shhhsh. Don’t cry. I’m here.” That voice! How can I forget that voice?
O//////O
SI SAGE?!
“Sage..” I muttered. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Nang makarating kami sa CR, hinayaan niya akong makapag-isa. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umiyak na lang ako sa loob. Nakakahiya! Napahiya ako sa harap ng maraming tao! Bakit pa kasi ako pumayag na kumanta sa stage e? I should have listened to Lewis! Ano ngayon ang napala ko?
“Ugh. Stop it!” Inis kong pinunasan ang mga luha sa mata ko. Patuloy lang sila sa pagpatak. Walang preno. Nakakairita!
I need someone who can comfort me, someone who can understand me, and someone who can make me feel better. Sa kanya ko lang naman nararamdaman ang security at safeness e. Siya lang ang makakagawa sa akin non, at sa oras na ito, siya lang ang kailangan ko. I need him.
I need you, Lewis.
Pero asaan ka ngayon? Bakit sa ganito ka pa nawawala? Please, I need you.
Lumabas na ako ng CR nang maging okay. Andoon pa rin si Sage, nakasandal siya habang naghihintay. Nakikita ko ang pag-alala sa mata niya nang titigan niya ako. Ohhh! Matagal ko ng hinihiling na makita sakanya ito. Pero bakit hindi ako satisfied? Bakit sa iba ko gusto makita yon, at hindi kay Sage?
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. “Are you okay now?”
I nodded. “I am.”
“Magiging okay rin ang lahat. Sisiguraduhin kong malalagot kung sino man ang may pakana nang nangyari sayo kanina.”
“Thank you, Sage.” Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin.
“Are you sure na okay ka na? Gusto mong ihatid na kita sa inyo? Wala akong extra t-shirt, basang basa ka pa. Baka magkasakit ka niyan.”
I smiled to assure him. “Okay lang. Hahanapin ko lang si Lewis. Napag-usapan kasi naming sabay kami uuwi ngayong gabi e. Salamat talaga.”
“Sigurado ka ba talagang okay ka na, at ayaw mong magpahatid?”
“Oo nga. Ito ang kulit.” Natawa na lang kaming dalawa.
“Sayo na muna yang jacket ko. Basta magpalit ka agad ng damit pag uwi mo.”
“Opo, boss. Isasauli ko na lang ito pagkatapos kong labhan.”
Medyo nangulit pa siya but eventually umalis na rin. Babalik na lang daw muna siya sa loob ng hall at baka hinahanap na siya nila Zion.
Hahanapin ko na sana si Lewis nang bigla kong maalala na naiwan ko sa loob ang bag ko. Pagkapasok ko roon ay wala na masyado ang nakapansin sa akin. Buti na lang at may banda kaya agaw atensyon sila, tsaka balik party party na rin ang mga tao. Agad kong kinuha ang bag ko at hinanap ang phone ko nang maalala kong hindi ko nga pala dala.
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.