[04] Taking my Breath Away

8.8K 105 10
                                    


Chapter Four 

AICEL

Pagkatapos kong sabihan ng kung anu-anong finishing moves ng mga wrestlers si Sage, himalang nanahimik siya. Pag tinatanong ko, puro one liner lang ang sagot, tapos lagi lang siyang naka-pokerface. Sa loob ng ilang minuto na tahimik siya, medyo nanibago ako. Hindi pala ako sanay na hindi siya naimik. Mas sanay akong madaldal at epal siya. Hahahaha. 

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong ko sakanya. 

"Takot ko na lang sa mga banta mo sakin kanina. Geez. Nakakatakot ka pala, Aicel. You are giving me creeps dahil sa mga finishing moves na sinabi mo sakin." Medyo lumayo siya sa akin. Mga one meter siguro at para bang takot na takot siya. Hahaha. Epic face!

"Sa tingin mo ba kaya kong gawin sayo yon?" Seryoso kong sabi. Katakutan daw ba ako.

"Bakit?” He smirked. “Dahil ba hindi mo ako kayang saktan?" 

"Haluuh? Syempre! Hindi ako marunong non. Engot lang? Anong di kayang saktan mga sinasabi mo diyan?" Natawa naman ako sa kanya. Nahiya ata kaya umiwas siya agad ng tingin. Haha.

"Wala. Tara sa National."

Pagdating namin sa National Bookstore, napansin kong wala pa ring imik si Sage. Nakakainis naman tong lalaking to. Ayaw magsalita. >//<

Me: "Hoy! Bakit ba ayaw mo magsalita?"

Sage: "Eh kasi --- wait a minute! Nakakahalata na ako ah. Bakit ba parang ang bossy mo ngayon, eh diba ako ang master mo?"

Me: "Ehehehe. Just checking, if you can still remember."

Ang ewan lang. Kaya pala tahimik tong si Sage dahil natakot siya sa mga pagbabanta ko kanina. Haller. Asa namang magawa ko yon. Eh baka nga pagbuhat ko pa lang sakanya, mahirapan na ko, at ako pa ang mas masaktan. Ideliver pa kaya yung mga pamatay na moves ng mga wrestlers na yon? Minsan talaga may pagka-engot tong si Sage eh. Tapos makalimutan daw bang alipin niya ako. Ang tungak! Haha. Sayang! Naalala pang master ko nga pala siya. Edi sana under ko siya sa araw na to.  

Habang naglalakad kaming dalawa, andaming mga matang nakasunod sa amin. Malamang, may kasama akong hearthrob eh. Gino Dela Rosa ang peg nyan! Pag nakakita ka ng ganung kagwapo, talagang susundan at babalik-balikan mo ng tingin. ANO DIBA TAMA AKO? =))

 Me: "Grabe ha! Andaming nakatingin sayo."

Sage: "Hindi lang sakin no. Kundi pati sayo. Panigurado, winiwish na nilang lahat na sana ikaw sila. Ang swerte mo, kasi kasama mo ako."

Me: "Anong swerte don? Nakakailang nga, andaming nakatingin satin."

Sage: "Ganun talaga. May kasabihan kasi, ang di marunong lumingon sa pinanggalingan, malamang ako ang nasa harapan."

Me: "Anong connect nun?" (=___=)

Sage: "Pumasok ka na daw ng bookstore."

Me: "Okay fine. Wait me here. May hahanapin lang akong mga libro para sa exams next week."

Sage: "Go. Take your time." 

Pagkatapos kong mahanap yung mga librong kailangan ko para sa exam, saktong dating naman ni Sage at nag-presinta na siyang siya na ang magbabayad ng mga yon. May pagka-gentleman pa rin pala namang natitira sa katawan niya. Pagkatapos niyang magbayad, kinuha ko na yung mga libro. Pero tinignan niya lang ako na parang clueless siya.

Sage: "Bakit ko naman ibibigay ito sayo, eh ako ang nagbayad nito? Ano ka sinuswerte?"

Me: "ANOOO??!"

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon