Chapter SeventeenAICEL
“Welcome back, class!” Bati ng professor namin sa umagang ito. Ito ang first day of school ngayong bagong taon at isa lang ang hiling ko, sana free kami from all the school works. Sana chill muna kami from acads dahil may hangover pa kami sa christmas vacation.
“I know you still have hangover because of the vacation but that doesn’t mean you’re free from all your school works.” Tignan mo tong si Ma’am Santos, kasasabi ko lang na sana free from acads, kinontra agad ako. (-.-‘)
“Pag-usapan muna natin ang mga activities for the month of January. Bukas ay magkakaroon ng elimination for the swimming competition. Ang mananalo sa elimination ang magiging representative ng school natin para makipag-compete sa iba’t-ibang school. Kung may interesado sa inyo, you can sign up later.”
*beep beep*
Hindi ko na tuloy naintindihan ang mga sinasabi ni Ma’am Santos dahil sa may nagtext. Kinuha ko agad ang cellphone sa bulsa ko at nakitaang pangalan ni Sage ng rumihistro sa screen ng phone ko. Ugh, problema na naman nito? (-__-)
Yes! I’m back to my monkey business with Sage. I mean, balik na ulit ako sa dating gawi—ang pagiging slave niya. Okay lang naman, kasi two weeks na lang ang itatagal ng paghihirap ko kasama siya. Konting pagtitiyaga na lang. Ugh! At tsaka, sinabi ko na rin naman sa kanya na pagkatapos netong kalokohan na to, tapos na rin ang pagka-gusto ko kay Lewis. Masaya ako para sa kanila ng bestfriend ko. Seryoso no, walang halong biro. Ang kulang lang naman kasi sa relasyon nila ay ang label nila ni Patch para maging official na silang dalawa. Halata naman kasing gusto nila ang isa’t-isa e. Kailan kaya sasagutin ni Patch si Lewis?
From: Sage
Dalhan mo ako ng coffee sa Student Council Room after your class.Binalik ko agad ang fone sa bulsa ko pagkatapos kong mabasa ang text ni Sage. Hindi ko na lang nireplyan. Sayang pa sa load, diba? Ugh! Bossy as always. Tsaka, ano naman ang ginagawa ng mokong na yon sa Student Council Room? Officer ba siya? Wala sa itsura ha. (--/) Naah. Officer si Patch e, paanong hindi nabanggit ni Patch sa akin yon? Dadalhan ko na lang siya ng coffee mamaya since half day lang naman kami ngayon.
Lunch break na at sabay sabay kaming lumabas ng classroom nila Thea, Reese at Patch. Nagugutom na ako! Rawr!
“Grabe! Walang patawad sa homeworks!!” Thea gritted her teeth.
“Oo nga eh! Tss. Hindi man lang tayo binigyan ng time para makipagkwentuhan sa mga friends natin. Sobra! Homeworks, agad agad.” Reese.
“Wala na tayong magagawa. Kailangan nilang maghabol e dahil madaming activities for the month of January.” Sabi ni Patch bago ako balingan. “Bes, sabay tayong umuwi mamaya?”
Papayag na sana ako e. Quality time na to with my bestfriend kaso bigla kong naalala ang text ni Sage sa akin kanina. Lagot ako dun! “Ehhh. May usapan kasi kami ni Sage mamaya e. Pero baka sandali lang naman iyon. Text na lang kita kung makakasabay ako.”
“Okay sige. Thea, sabay ako sainyo pag hindi makakasabay si Aicel ha?”
“Sure Patch. Hayaan na natin. Baka kasi may date—“
“ANONG DATE?! HINDI YUN DATE NO!” Sigaw ko.
“SI ELLA!” Thea shouted back. Natawa pa siya and gave me a meaningful look. “Defensive much, Aicel? Hindi mo pa kasi ako pinapatapos e. Tss! Si Patrick kasi eh, oh parating dito.”
Napalingon ako and I saw Patrick coming towards our direction. I faked a laugh. “Ah. Ha ha! Sabi ko nga.” Pahiya ako ng onti dun ah (-_-‘)
“Hi Girls!” Bati ni Patrick sa amin. “Have you seen Ella?”
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.