Chapter Fifty Three
NORMAL POV
“Teka nga! Saan mo ba ako dadalhin?” Thea gritted her teeth with anger. Pilit niyang binabawi ang braso sa baliw na kasama ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito.
Pagkatapos kasi siyang yakapin ni Bench kanina, sinuntok niya ito dahil sa sobrang pagkagulat. Nainis si Bench dahil plano yata talaga ni Thea na sirain ang tinitilian niyang muka kaya hinila niya ito palayo sa Congratulatory Party ng Basketball Team. Magtutuos sila ni Thea ngayon!
Pagod na pagod na siya sa kakasunod dito. Bukod kasi sa naglakad lang sila, este more on takbo dahil sa malalaking hakbang ni Bench, nahihirapan siyang makasunod.
“Basta sumama ka na lang sa akin! Huwag ka na ngang maraming tanong. Magtutuos tayong dalawa.” Naiinis na sabi ni Bench. Pang-ilang tanong na kasi yan ni Thea at nabibingi na siya sa paulit-ulit na pangungulit nito.
“Anong magtutuos? S-Saan ba kasi—haah. Haa. B-Bench! Ha—ahh.” Napahawak ito sa kanyang dibdib. Tila kinakapos siya sa paghinga.
Agad na binalingan ni Bench ang dalaga at nang mapansin ang pamumutla nito, nakaramdam siya ng kaba. He is in panic. Ikinulong nito ang muka ni Thea sa kanyang mainit na palad.
“Anong nangyayari sayo, Thea? Okay ka lang ba?” Punung-puno ng pag-aalala ang tono ng boses nito. “Gusto mo bang dalhin na kita sa ospital? Thea, magsalita ka naman, oh!”
“Haah. Haa-ah.” Hindi niya pinansin si Bench. Nahihirapan na talaga siyang huminga kaya agad niyang hinanap ang inhaler sa bag niya. Hinihika na siya dahil sa sobrang pagod kakalakad-takbo sa pagsunod sa baliw na Bench Sandoval na to.
“M-May hika ka?” Gulat na tanong ni Bench pagkatapos gamitin ni Thea ang inhaler.
“PAPATAYIN MO BA AKO?” Napasigaw na siya sa sobrang pagka-inis. Buti na lang talaga at lagi niyang dala ang inhaler, kundi, baka ma-deadz siya sa harap ni Bench ngayon.
Inaasahan ni Thea na makikipag-talo pa rin sa kanya si Bench. Ganun naman kasi silang dalawa e. Walang magpapatalo kahit na halos mamatay na ang isa sa kanila. Makikipagbangayan pa rin sa kanya si Bench. Knowing this guy, mataas ang pride niya.
But her thoughts were wrong. Nabigla na lang siya nang kinabig ni Bench ang bewang niya papalapit dito at saka siya binigyan ng isang yakap. Niyakap niya ito ng sobrang higpit. At para bang ipinararating ng mga yakap na iyon ang sobrang pag-aalala ni Bench sa kanya.
Shit.
Thea’s heart skipped a beat. Nooo! This can’t be. Ano na naman tong nararamdaman niya? She felt this weird feeling sa huling relationship niya. Baka naman—No! Hindi pwede. Oo nga pala’t si Bench lang ang naging ka-relasyon niya. The feelings were over now. Hindi pwede.
“Ano ka ba?” Marahan niyang itinulak si Bench palayo sa kanya dahil sa kakaibang nararamdaman. Agad siyang umiwas ng tingin dito nang mapagtanto niyang nakatitig sa kanya ang lalaki. Nararamdaman na naman niya ang pag-init ng pisngi niya.
“I’m sorry. H-Hindi ko alam na may hika ka pala.” Parang may guilt sa tono ni Bench.
Nagtataka nga siyang kalmado ito. Knowing him, imposible atang mangyari yon kapag sila ang magka-usap. Nag-eexpect siya na sasabihan siya nitong tanga at weak dahil sa hika, pero hindi. Seryoso ang pagiging worried sa kanya ni Bench. Hindi niya tuloy alam kung matutuwa ba siya o kakabahan sa inaakto ng kumag na to ngayon.
“Tss. Ano bang alam mo sa akin?” She murmured it but it’s enough for Bench to hear it. Hindi na lang niya pinansin. Oo nga, ano bang alam niya kay Thea? Haaay. Naiinis tuloy siya sa sarili niya. Bakit ba kasi ang gago niya? (-____-’)
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.