[36] And there's nothing I can do, I just gravitate towards you.

6.3K 79 19
                                    


Chapter Thirty Six

SAGE

Nandito ako sa mall ngayon, specifically sa Starbucks. Bigla kasing tumawag sa akin si Bench kagabi at nagpasama sa mall. Tarantang taranta nga ang loko nung tumawag sa akin kaya nag-panic ako at napa-oo na lang ng wala sa oras. Hindi tuloy ako makakapag-training sa school. Lagot ako neto kay Coach! Tapos siya ngayon itong late sa meeting place namin.

“PARE, BAKIT NGAYON KA LANG?” Sigaw ko sa kanya pagkarating niya.

“Bakit ngayon kung kailan ang aking puso’y, meron ng laman.” Dugtong niya sa sinabi ko. Gags talaga kahit kailan. Binatukan ko nga. Kantahin daw ba! (-.-)

“Aray! Baaaakeeet naaambaaabaaatoook?” Ganyan ka OA yung pagkakasabi niya sa akin sabay kamot sa ulo niya. Fan talaga si Bench ni Vice. Confirmed! Haha.

“Bakit ka ba nagpapasama dito? Ano, tara na! Five minutes ka ngang late sa napag-usapan natin e.” Sabay hila ko sa kanya palabas ng Starbucks. Pero hinigit niya ulit ako paupo. 

“May iniintay tayo.” He whispered. Kinilabutan naman ako dun (~.~)

“SINO?!” Pagkasigaw ko, napa-yuko si Bench at nagtago dun sa may table. Hinigit naman niya ako para yumuko rin at magtago.

At nang makita ko kung sino ang tinataguan niya.. 













“Si Thea?!” gulat kong pabulong sakanya. 

“Hinde bro, may kasamang iba yan. Sabi ni Pen, may date daw sila nung kaklase natin sa Calculus. Sabi ni Pen, bantayan daw natin e.” Sabi niya without looking at me. Seryoso lang talaga siyang nakatingin sa direksyon ni Thea.  

“Sinong babantayan natin? Si Thea?” Nagtataka kong tanong sa kanya. 

“Hindi, pare. Yung kaklase natin sa Calculus ang babantayan natin. May crush kasi sa kanya si Pen eh, baka daw maagaw ni Thea sa kanya.” Sabi niya habang patuloy pa ring tinitignan si Thea na hindi naman kalayuan. 

*POK*

“Aray! Ano ba pare?! What was that fo?” Napakamot ulit siya sa ulo niyang binatukan ko. Nabasa niyo ba yung reason niya? Grabe diba. Obvious masyado na kalokohan! Tss.

“Sira ulo ka! Pwede mo namang sabihin na ‘Sage, samahan mo ako sa mall, ii-stalk natin si Thea. May date kasi sila nung kaklase natin sa calculus. Baka maagaw siya sakin. May gusto pa rin kasi ako sakanya hanggang ngayon e’ at hindi kung anu-ano! Dinadamay mo pa si Pen sa kalokohan mo eh!” (--.) 

“Hehehe! Oo nga no.” Napakamot pa siya sa ulo niya. Pero biglang nanlaki ang mata niya nang makitang palabas na si Thea at ang classmate namin sa Calculus na si Xander ng Starbucks. Hinila niya agad ako. “Tara na, Sage!”  

xxx

“Tae ka. Ang sakit ng kamay ko.” Namumula na ang wrist ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Bench. Grabe! Ibang klase palang stalker to.

Lesson Learned: Huwag sasamahan si Bench Sandoval kapag Jelly Ace.

“Pare, pare, tignan mo oh!” Nagtatago pala kami sa isang ice cream stall. Napatingin ako sa sinasabi niya. Papasok pala sila Thea at Xander ng sinehan.

“Oh. Magsisine lang pala sila e. Uwi na tayo.” Naglalakad na ako nang bigla niya ulit akong hilahin patago ng stall.

“Wag mo akong iwan. Nasimulan na natin to, bakit ka aalis?”

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon