Chapter Twenty-SevenNORMAL POV
Nasa classroom pa ang mga estudyante. Inaantay na lang nila ang hudyat ng kanilang mga teachers bago umalis at pumunta sa House of Spirituality sa Tagaytay. Doon kasi ang venue ng Retreat nila.
“Ang dami kong dala. My goodness!” Reklamo ni Thea sa apat niyang kaibigan.
“Told you. Dapat nag-maleta ka na lang para hindi madami ang bitbitin mo.” Sabi naman ni Aicel. Isang backpack at travelling bag kasi ang dala ni Thea, samantalang naka-maleta naman sila Patch, Aicel, Reese at Ella.
“Sana nga. Nasa huli talaga ang pagsisisi.” Sabi ni Thea. “Alam niyo ba, balita ko marami daw multo sa retreat house na yun. Nakakatakot!”
“Ay sus! Naniwala ka naman. Syempre echos lang nila yon para matakot tayo.” Ella.
“Oo nga. Tsaka ang sabi ng mg higher year, masarap daw ang mga pagkain doon. Tapos five times a day ka daw kakain. Breakfast-meryenda-lunch-meryenda-dinner.” Reese.
“Kung ganon ba naman, edi dun na lang tayo tumira!” Patch.
Nagtawanan pa sila at nagkwentuhan tungkol sa mga sabi sabi ng mga former students na nag-retreat na sa House of Spirituality.
Tumigil ang lahat sa pagkukwentuhan nang pumasok sa classroom ang teacher nila at nagsalita. “Class, pumila na kayo sa labas. We’ll be leaving in a bit. Tsaka, dalawang section sa batch niyo ang makakasama niyo.”
“What? Anong section naman kaya?” Pabulong na tanong ni Reese sa mga kaibigan.
“Yung mga boyfriends at girlfriends niyo sa kabilang section, huwag niyo masyadong samahan ha. Retreat ito. Next time na ang lambingan. Is that clear Therese, Marco, Jessie and Ella?”
“Huh? Ma’am, bakit naman special mention kami?” Nagtatakang tanong ni Marco.
“Because apparently, the class of Hades and Aphrodite will be joining our class.” Sagot ng teacher nila.
Tila nanlaki naman ang mga mata nila Aicel, Patch, Thea at Reese nang marinig ang mga section na yun. Lewis, Sage, Zion, Patrick, Pen and Bench belonged to the class of Hades. Samantalang Aphrodite naman sila Carlo, Jet, Trix, Louise, Geleen at Apple.
Lumabas na sila ng classroom upang pumila. Mabibigat ang mga bagahe na dala nila. Three days lang sila doon pero parang doon na sila titira. Haha.
“Ako na ang magdadala nito.” Nagulat si Patch nang biglang may isang kamay ang humawak sa maletang dala niya.
Ang nakangiting si Lewis ang tumambad sa kanya. Umaariba na naman ang pagka-gentleman ng lalaking ito. Wala naman nagawa si Patch dahil hawak na iyon ni Lewis.
“Ang bigat ng bag mo ah. Marami kang dalang gamit? Doon mo na ba balak tumira? Lanjo! Dito na lang sa puso ko!” Sabi ni Lewis.
Patch tried to hide her blush. “Ang corny mo e. Hahaha!”
“Akala ko makaka-score na ako dun. Haha!” Then they shared stories and laughs while on the way to the Parking Lot.
Busy si Aicel sa pag-aayos ng zipper ng maleta niya. Nakaluhod siya at nakatungo. Nang maayos ang zipper, tumayo siya at nagulat sa malaking backpack na tumambad sa muka niya. Hulaan niyo kung sinong nilalang ang nasa likod ng bag na yon. Kailangan ko pa bang magbigay ng clue? (-___-’)
“Ano to?” Naiinis na tanong ni Aicel.
“Obviously, a bag.” He answered sarcastically. Nagtitimpi na lang si Aicel. Ang sarap kasing pasakan ng bag sa bibig tong kumag na to e.
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.