Prologue
AICEL
Five pm na at nasa roofdeck pa rin ako ng school namin. Hinihintay ko kasi si Patch, bestfriend ko, na may meeting ng cheering ngayon. Kasali kasi si Patch sa cheersquad. Pinipilit nga niya akong sumali para magkasama kami kaso cheering is not my type.
Okay. Kaya ako nag-iintay dito sa roofdeck ay dahil napag-usapan namin na dito na lang magkita para tapusin ang project namin sa Economics na malapit na ang deadline. Sa sobrang tagal dumating ni Patch, binasa ko na lang ang isa sa mga paborito kong libro na 'A Hundred and One Reasons.'
Maya maya, naramdaman kong may papalapit sakin. Nakow! Siguradong bestfriend ko na to! ABA. Kanina pa ako nag-iintay dito. Sabi niya 4:30pm ang tapos ng meeting nila, eh 5pm na oh! Kainis >//<
"Ang tagal mo naman. Kanina pa kita hinihi--"
Nagulat ako ng makita ang taong iyon. Hindi siya si Patch. Teka nga, ano bang ginagawa niya dito? He’s invading our comfort zone.
Kilala niyo ba tong lalaking to? Well ako, oo. I know his name. Pero wala talaga akong alam sa buhay niya. Lol. Wala naman akong pakiealam sa storya ng ibang tao unless kaibigan ko. Siya nga pala, ipapakilala ko na siya sa inyo.
He's SAGE.
Oo, tama kayo ng nabasa! Si Sage Padilla! Ang alam ko, Sagittarius Padilla ang real name niya. Hindi ako maaaring magkamali. Isa siya sa mga campus hearthrob, basketball varsity at siya? Siya lang naman ang bestfriend ng crush ko =___=
Anong ginagawa ng lalaking to dito?
"Sage?!" Kahit papaano naman ay alam ko ang pangalan niya. Siya kaya, kilala ako?
"Gulat na gulat ka naman.” He chuckled saka umupo sa tabi ko. Napansin niya ang librong hawak ko. “Tungkol saan yang binabasa mo?"
"Ah eto, A story of how a girl lived in a midst of dying." sagot ko.
He smiled. "Ahh." Yun na lang ang tanging nasabi niya.
Haaaays! Ngayon alam ko na kung bakit marami ang nagkakagusto sa kanya! Hindi ko na ipagkakaila ang ka-gwapuhang taglay niya. At pag ngumiti siya, Jusko lang! Nakakalaglag ng panga! Ang gwapo! :""> Kilala niyo ba si Daniel Ledesma ng Gimik 2012? Eh si Patrick Rivero ng Growing Up? Nako I'm sure kilala niyo si Gino Dela Rosa ng Princess and I. Ayun! Ganun siya ka-gwapo.
Pero mas gwapo si Lewis ko, okay? =__= Sila na! Sila na ang mag-bestfriends na gwapo.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.
"Hmmm. Pwede ko bang mahiram ang fone mo?"
Aba loko to ah! Hindi man lang sinagot yung tanong ko! >//< At balak pang mang-hiram ng cellphone! Ano to, makikitext? Walang load? Imposible! Balita ko mayaman daw yan e. Pero sa dami ng nasabi ko, papahiramin ko pa rin siya. Syempre, bestfriend siya ng crush ko e. Dapat talaga magpa-goodshot ako sa bestfriend. Hahahaha. Ang mga hidden agenda mo talaga, Aicel!
"Sure, teka lang." Kinapa ko ang bulsa ko, ngunit subalit datapwa’t, wala don ang phone ko. Tinignan ko sa bag, sa bulsa at sulok sulok ng mga notebooks ko, pero wala rin doon. Lechugas! Asan ang cellphone ko?
"Ito ba yung hinahanap mo?"
O________O
“What the—" He's holding my fone. Nanlaki tuloy ang mga mata ko! Paano naman napunta sakanya yon? "B-bakit nasayo yan? Amin na nga!"
Hinablot ko sa kamay niya yung cellphone ko. Buti binigay agad. Akala ko pinagtitripan pa ako nito e. Mabait naman pala.
"Naiwan mo ata ito sa canteen kanina. May kasama pa ngang filler eh." He smirked. "Tumawag si Patch, kaya nalaman kong sayo pala yan."
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.