[16] Nothing will ever change this Never Changing Love.

8.4K 106 26
                                    


Chapter Sixteen

AICEL

Haaays! Parang kailan lang, naghahanda pa tayo sa pagsalubong ng 2012, Tapos ngayon 2013 na agad! Ang bilis, diba? Hindi ko na namamalayan ang oras. Ganon talaga kapag masaya ka eh, bumibilis ang panahon.

Huwag niyo ng itatanong sa akin kung anong nangyari nung Christmas. It’s like the usual thing we do, nag-dinner kami ng family namin and exchange gifts. Nagbigayan rin kami ng regalo ni Patch. Marami rin ang nangaroling at namasko sa amin. Gusto ko nga ring mamasko sa mga ninang at ninong ko eh, kaso itong sila Kuya! Matanda na daw ako. Uso mahiya (-.-‘)

“Cel, natext mo na ba ang mga kaibigan mo na dito na sa atin magbagong taon? Magluluto sila mama pero aalis din agad. Solo nating dalawa ang bahay.” Yan ang bungad sa akin ni Kuya pagkapasok niya ng kwarto ko. Kahapon pa naming napag-usapan na yayain ang barkada since kami lang ni Kuya dito ngayon. Mas masaya kung marami, diba?

Face palm. (-.-) “Eto na nga oh, nagg-gm pa lang ako. Wait lang.”

“Okay, sa baba muna ako.” At lumabas na rin sa wakas si Kuya.

Kinuha ko na ang cellphone ko at agad na nagtext ng group message sa barkada.

Hi Guys! Dito na kayo mag-bagong taon sa bahay if gusto niyo. Nagluto kasi si mama pero gogorabels rin mamayang gabi. Solo namin ni kuya ang bahay. Alam na this! Party Party! :)

Send to: Patch, Reese, Thea, Ella, Lewis, Patrick, Bench, Penshoppe, Zion and Sage <-- (‘_’)

After ten seconds, sunud-sunod agad ang reply ng aking mga kaibigan. Iba talaga pag fast texters. Haha. Inoopen ko iyon agad at nagbasa ng reply.


From: Zion
Ayoooooos! Let’s party tonight but don’t tell tita! Hahahahaha!

From: Reese
Game kami nila Ella at Thea diyan mamaya, Aicel. See you!

From: Patch
Count me in, bes. Okay lang kay mama :>

From: Bench
Yeaah! Sasama kami ni Pen diyan. Magdadala kaming bar-b-que.

From: Lewis
Expect me to come. I can’t wait to see her.. I mean you guys. Hahahaha!

And the last text to open. Inis na inis akong binasa ang mapang-asar niyang reply. Grrrr. Sana hindi ko na lang pala siya sinama sa group message.

From: Sage
Wow! Totoo ba to? You invited me? Hahaha! PUPUNTA TALAGA AKO. MWAHAHAHA!

Agad naman akong nainis pagkabasa ng reply ni Sage sa akin! Bakit ko nga ba pinadaanan pa to ng group message? Edi sana wala siya dito mamaya. Asar talaga!

To: Sage
Sige, subukan mong pumunta dito papaputukan kita ng Adios Universe diyan!

Naalala ko na naman tuloy yung nangyari last Christmas. Natatandaan niyo pa ba yung taong nambabato ng papel na eroplano sa bintana ko? Wala lang namang iba kundi si Sage Padilla.


*Flashback*

Binuksan ko agad ang bintana nang mapagtantong si Sage pala ang namamato ng papel na eroplano. Weird nga kasi may naaalala ako gumagawa sa akin nang ganon noong bata ako. May isang batang lalaki daw, na hindi ko maalala kung sino, ang namamato ng eroplanong papel sa bintana ko. Tapos nakasulat doon na magkita kami sa playground.

Ughhh. Sumasakit lang ang ulo ko sa mga blurred scenes na yon. Pinandilatan ko ng mata si Sage kaya natawa ito sa akin. Bwisit talaga.

“HOY! ANO BANG—“ *thug*

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon