[29] I'd give away a thousand days, Just to have another one with you.

6.9K 80 33
                                    

A/N: Retreat Part 3.


xxx


Chapter Twenty Nine

AICEL

“Girls, gumising na kayo! 5am na!” Napamulat naman agad ako nang marinig ko ang adviser ko na ginigising kami. Kailangan talaga naming gumising ng maaga dahil saktong 8am mag-iistart ang first session namin.

*Yaawwnn*


“Goodmorning, guys!” Bati ko kela Patch, Reese, Thea at Ella. Binati ko na rin ang iba ko pang mga kasama na babae na malapit sa amin.

“Ang sarap ng tulog ko! Woooooh! Ang lamig!” Ella.

“Binangungot ako, guys! That was really creepy.” Napa-yakap pa si Thea sa sarili niya.

“Anong napanaginipan mo?” Tanong ni Reese kaya lumapit kami sa kama niya at umupo palibot sa kanya upang makinig. Natatawa na lang kami habang nagku-kwento siya.

“Isipin niyo yon, pati sa panaginip ko nambubwisit si Bench. Horror much! Kaloka!”

“Sabi nila kung sino daw yung taong nasa panaginip mo, iniisip ka niya.” Sabay tawa ni Patch sa sinabi niya kaya pati tuloy kami natawa.

“Hindi naman totoo yun e.” Thea pouted. “Ahh! Siguro iniisip niya akong jombagin. Ang Sandoval na iyon. Patay siya sa akin!”

Inayos na namin kaagad ang aming mga higaan. Alternate kami sa paliligo at pagtoothbrush. Ilang minuto na lang, tutunog na ang bell na hudyat ng aming pagpunta sa session hall kaya sobra kaming nagmamadali.


“Goodmorning, guys! Kamusta ang tulog niyo?” Bati sa amin ni Kuya Lester pagkarating namin sa session hall. Sumagot naman ang mga kabatch ko at binati rin sila Kuya Lester. Tahimik nga lang akong nakikinig dahil medyo inaantok pa ako.

“Ang tagal naman. Gutom na ako!” Biglang bulong sa akin ni Lewis. Tumingin ako sa kanya at saktong tumingin rin siya sa akin. Nginitian niya ako.

(*O*) Bakit ang gwapo niya?

“Let’s go to the refectory and eat.” Kuya Luke said the magic words. Lahat sila ay natuwa at dali-daling pumunta sa refectory.

Ako naman, eto natawa muna pagkasabi ni Kuya Luke na kakain na. Tumingin ako kay Lewis. Sabay kaming natawa sa pareho naming naisip.

“Narinig ka ata ni Kuya Luke. Haha.”

“Haha. Ang gwapo ko daw kasi.” Sabi ni Lewis sabay tawa ng malakas.

I raised my brow. “Anong connect?” (‘.’)

Natigilan ako. Hindi kaya narinig niya yung iniisip kong ‘Bakit ang gwapo niya’ kanina? Haluh! Hindi naman siguro no. Ano siya, mind reader? Mga pinag-iisip ko talaga oh.


Pumunta na kami sa refectory at umupo na kami sa assigned table ng group namin. Syempre, nagdasal muna kami pagkatapos ay kumuha na kami ng mga pagkain.

“Aicel, ikukuha na kita ng tinapay. Anong gusto mong palaman?” Kinulbit ako ni Lewis. Nakangiti lang siya sa akin. Napaka-gentleman talaga ng taong to.

“Wow. Ang bait mo ata.” Natawa ako nang mag-pout siya.

“Minsan lang to no. Abusuhin mo na ako. Haha!”

“Naisip ko lang kasi. Siguro kung si Sage ang ka-grupo ko, uutusan pa ako nun na ikuha siya ng pagkain. Baka nga utusan pa niya akong subuan siya. Hahaha.” Natatawa kong sabi kay Lewis. Bigla ko kasing naalala si Sage e.

Napailing na lang ako nang mag-pop sa utak ko ang muka ni Sage.

“Si Aicel talaga oh.” He grinned at me. “Tinanong ko lang kung anong gusto mong palaman ng tinapay, nagkwento ka na agad tungkol kay Sage.”

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon