Chapter Twenty FivePATCH
“Anak, yung gamot mo nasa side table. Inumin mo mamayang 11am.” Binalingan ni mama ang kapatid ko. “Brent, alagaan mo muna ang ate mo. Sandali lang kami ng papa niyo ha. Babalik rin kami agad. Tumawag kayo kapag may problema.”
Kanina pa paulit-ulit si mama sa mga bilin niya. Yung headache ko kasi kahapon, natuluyang naging lagnat. Tapos ngayon naman aalis ang mga magulang ko. Si mama daw ay mamamalengke at si papa naman may aayusing papeles sa trabaho niya. Kami lang tuloy ni Brent ang naiwan dito.
“Si mama talaga, parang parrot.” Bulong sa akin ni Brent. Haha. Natawa ako ng malakas kaya napatingin sa akin sila mama.
“Bakit? May masakit ba sayo?” Tanong ni mama sa akin.
“Huh? Wala po.” Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na matawa. “Okay lang po ako. Tatawag na lang kami kapag may problema. Ingat po!” Mama kissed me and Brent sa cheeks.
“Patch, yung gamot mo ha. Huwag mong kalimutan. Brent, alagaan mo si Ate. Sandali lang kami ng papa niyo. Tumawag kayo kapag may problema. Okay? Aalis na kami.” Sa wakas, natuloy rin si mama at papa sa pag-alis.
“Ate, sabi ko sayo parrot si mama. Inulit na naman niya yung sinabi niya.” Sabi sa akin ni Brent with nakakatawang naiinis na expression sa muka niya.
“Baliw! Concern lang yun.” Sabi ko kay Brent. Napiling na lang ito at nanuod ng tv. “B, sa kwarto muna ako ha.”
“Okay po, ate.” Iniwan ko na si Brent sa salas at dumerecho sa kwarto ko. Manunuod na lang daw muna siya ng cartoons. By the way, si Brent ay 8-years old na. Nagiging isip bata lang yan kapag andito si Lewis at mama. Bine-baby kasi nila si Brent e.
Okay na naman ako kaso medyo mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Kailangan ko lang atang itulog to e. Haaay!
Nahiga ako sa kama at tumingin sa mga stars na dinikit ni Lewis sa kisame ng kwarto ko. Bigla ko tuloy naalala ang mga sweet gestures niya sa akin kahapon. Alam niyo bang binantayan lang ako ni Lewis sa clinic hanggang magising ako? Hinatid pa niya ako sa bahay kagabi and he’s worried sick about me. Minsan hindi ko mapigilang kiligin. Eh sa nakakakilig talaga e. Crush ko na ata siya. Hahahaha.
WAIT. WHAT? CRUSH?MAY CRUSH BA AKO KAY LEWIS GIL?
Maybe? Kinda? Sort of? Wala namang masama kung maging crush ko siya diba? Boyfriend material nga si Lewis. Nasa kanya na lahat ng hinahanap ng isang babae sa lalaki so I see no reason para hindi ko siya hangaan.Pero hanggang doon lang muna siguro yon. Unti-unti ko kasing nararamdaman na nawawala na yung feelings ko kay Sage? Parang back to normal lang, ganun. Mabuti nga yun e. Kasi feeling ko may something sa kanila ni Aicel kahit hindi nila aminin.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising ako nang makarinig ng katok sa pinto. Nasaan si Brent? Hindi ba niya pinagbubuksan ng pinto sila mama?
Kaya naman kahit masakit ang ulo ko, pinilit ko pa ring makababa upang pagbuksan sila mama. Baka kanina pa siya naghihintay sa labas. Si Brent talaga oh. (-.-’)
*Opens the door*
“Lewis?” (O.O)Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita si Lewis. Oh my! Nasa bahay na naman namin siya. Kagabi, sobra siyang nag-alala sa akin. Nakakapang-guilty tuloy. Naabala ko pa siya imbis na magsaya at mag-enjoy siya sa Victory Party.
“Hi.” He smiled at me. “Okay lang ba kung pumasok ako?”
Tumango ako at pinagbuksan siya ng pinto. “Tuloy ka.”
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.