Chapter Thirty TwoNORMAL POV
“Hoy! Hoy! Hoy! Thea!” Hinigit ni Bench si Thea paharap sa kanya. Kanina pa niya ito tinatawag, pero hindi siya nito pinapansin.
Kahapon pa siya ganito. Wala naman siyang natatandaan na ginawang masama. Alalahanin natin ang nangyari kahapon.
**Flashback**
“Sundan mo na si Lewis.” Siko ni Thea kay Patch.
“What? Bakit naman siya susundan ni Patch?” Bench.
“Eh, siya lang naman po kasi ang magpapa-lamig sa ulo ni Haring Lewis. Okay na, Bench? Psh. Nakakapang-init ka talaga ng ulo eh.” Tumayo ito at nag-walk out.
**End of Flashback**
See? Ano bang sinabi niyang masama? Wala naman diba? Hindi niya alam kung bakit biglang nagalit si Thea sa kanya. At kahit si Thea, hindi rin alam kung bakit siya naiinis dito.
On the second thought, lagi pala siyang naiinis dito. Tumriple lang yung pagka-inis niya.
“Why are you ignoring me?” Nag-cross arms si Bench saka nagtaas ng kilay.
(.~~) ------------- (~~.)
Parang may laser ang mga mata namin sa sama ng titig namin sa isa’t-isa.
“I’m not.” Sabi niya tapos ay inirapan nito si Bench.“I don’t get you. Wala naman akong ginagawang masama ah. Nagtanong lang ako kung bakit si Patch ang kailangang sumunod kay Lewis. Anong masama dun? Then you walked out.”
Oo nga no. Bakit nga ba ako nagalit? Bulong ni Thea sa sarili.
Kahit naman lagi silang nag-aaway ni Thea, hindi pa rin niya matiis na galit ito sa kanya. Kaya gagawin niya ang lahat kahit kulitin niya ito hangga’t maging okay ulit sila.
“Bipolar ka talaga.” Sabi ni Bench.
“B-Bipo—Ikaw naman bakla!”
“Aba, aba! Sumosobra ka—Ouch!” Sinipa nito si Bench sa binti kaya namimilipit ito sa sakin. “Castillo, lagot ka sakin!”
“Heh. Ang panget mo! Bading!” At kumaripas ito ng takbo.
Hindi na siya naabutan ni Bench. Napakamot na lang ito sa ulo. May lahi talagang kabayo ang isang yon.
xxx
BENCH
Dumerecho agad ako sa classroom pagkatapos ng nangyari kanina. Confirmed! Galit nga sa akin ang isang yon sa hindi ko malaman na dahilan. Tama ba namang sipain ako sa binti? Buti na lang hindi niya naisipan sa ‘you-know-where’ dahil kundi, patay talaga sa akin ang isang yon.
Nakakainis talaga! Tama si Patrick e. Parang kami na hindi. Bakit ko ba sinusuyo ang babaeng yon? Eh hindi ko naman siya girlfriend.
Subconscious: Pero aminin mo man sa sarili mo o hindi, she’s still special.
Oo na. Special na.
Special child si Thea sa akin. Gosh!
“What’s with that frown, bro? Anong problema?” Bungad sa akin ni Lewis. Wow. Laki ng ngiti. Kahapon pa to good mood ah.“Anong problema at para kang clown sa laki ng ngiti mo?” May pagka-sarcastic kong sabi kay Lewis.
“Smile lang dapat, pre. Bawal ang sad. Dapat laging happy.” Sabi naman ni Sage.
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.