[26] We're all in this together.

6.9K 75 19
                                    

A/N: Namiss ko lang ang barkada. Hahaha.

xxx

Chapter Twenty-Six

SAGE

Home Economics/TLE ang subject namin ngayon at nasa Cooking Lab kami upang magluto ng Vegetable Dish. Hindi naman talaga namin gusto ang vegetables e. I bet, kayo din. At saka hindi talaga kami marunong magluto. Well, except for Lewis.

Busing-busy ang lahat sa pagluluto dahil dito nakasalalay ang grades namin e. Magkakaklase kami ng mga barkada ko kapag TLE at talagang nagsama-sama pa kaming anim sa iisang grupo. Ano kayang mararating namin neto? (-__-’)

“Pat, hiwain niyo ni Zion yang sibuyas at bawang. Maliliit lang ha. Tapos Pen, ikaw na ang mag-gisa.” Utos ni Lewis. Sa aming anim, si Lewis talaga ang may passion sa pagluluto. Namana ata niya sa mama niyang chef e. Ohwell, ayos na rin iyon dahil kapag trip naming guluhin siya sa bahay nila, lagi kaming may free food. At si Lewis nga pala ang leader namin.

“Bench, balatan mo ang carrots. Tapos hati-hatiin mo ng pabilog ha. Pwede rin, lagyan mo ng design para sa plating.” Utos naman ni Lewis kay Bench.

“Oh my gosh! Sana magawa ko to ng ayos.” Bulong sa akin ni Bench. Kanina pa kasi siya nagsasabi sa akin na hindi siya marunong humawak ng kutsilyo except sa bread knife.

“Gawin mo ng maayos yan kung ayaw mong ikaw ang balatan ko.” Nagulat kaming dalawa ni Bench nang magsalita si Lewis. Narinig pala niya ang usapan namin.

“N-Narinig niya yon? B-But h-how?” (O.O) Gulat na tanong ni Bench.

“Eh sa malakas ang pandinig ko e. Huwag ka na ngang maingay diyan. Gawin mo na lang yang pinapagawa ko ng matapos na ito.” Ani Lewis.

Bigla namang tumahimik si Bench at seryosong nagbabalat ng carrots. Ganyan naman si Bench e, kahit maloko yan, marunong magseryoso sa ganitong bagay. At ganyan din si Lewis, seryoso din siya kapag siya ang leader. Kaya nga laging mataas ang grade namin kapag siya ang leader e, kasi lahat kami sumusunod sa kanya.

“Shet.” (-__-’) Natatawa na lang ako dahil napapamura si Bench kapag dumadaplis sa kamay niya ang kutsilyo. Haha.

“Pag nabalatan tong kamay ko, patay talaga sakin yang si Lewis.” Bulong ulit sa akin ni Bench. Inis na inis siya dahil hindi niya magawa ng ayos ang ginagawa niya.

Nagtataka ba kayo kung anong ginagawa ko? Hahaha. Nagsasaing lang naman ako. Mas magaling ako dito e. Haha. Nasa likod kasi ako ni Bench, sa gitna naman ang table at sa kabilang side si Lewis. Bale, katapat namin si Lewis.

“Ayaw mo nun? Kapag nabalatan ang daliri mo, isasama natin sa lulutuin. Haha.” Natatawang sabi ni Lewis.

Teka, teka! Hindi na ako makasagot sa sinasabi sa akin nitong si Bench ah. Laging naririnig ni Lewis kaya siya na ang nagsasalita. Malakas pala pandinig ni Lewis e. -.-

(O.O) “Bakit mo naririnig ang sinasabi ko? Hindi naman ikaw ang kausap ko ah. Si Sage kaya!”

“Shunga ka ba? Bukod sa nasa harapan mo lang ang pinag-uusapan niyo, ang lakas mo pang bumulong. Tanungin mo pa ang iba nating kaklase, narinig din nila yon.”

Tumingin kami ni Bench sa paligid, at nakatingin nga sa amin ang mga kaklase namin. Muka namang nahiya itong si Bench kaya pinagpatuloy na lang ang ginagawa at tumahimik.

“Dapat ako na lang ang taga-saing e. Wala namang ginagawa tong si Sage. Nakatayo lang. Ang daya! Unfair! May special treatment. Hmp!” Bulong ni Bench sa sarili.

“NARINIG NAMIN YON.” (-__-’) Sabay sabay naming sabi nila Lewis, Pen, Patrick at Zion. 

“Hahaha! T-Talaga? Joke lang yun guys. May pina-practice lang kasi akong line para sa role play namin mamaya. Haha. Kayo talaga. Tignan niyo tong carrots, okay na ba to?” Tinaas ni Bench ang carrots na binalatan niya.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon