[20] Forever yours, Here I stand.

7.5K 79 14
                                    


Chapter Twenty

AICEL

Nasa klase ako ngayon pero hindi ako nakikinig sa teacher namin. Practical Arts ang subject namin at napaka-boring magturo ng teacher ko. Kulang na nga lang makatulog kaming lahat e. Saan ko ba kasi gagamitin tong vanishing point, two perspective, isolated chuvaness and such? Paki ko ba diyan? Hindi naman ako yayaman diyan eh. (-.-’)

“Excuse me, sir.” Napatingin kaming lahat sa lalaking nasa may pintuan ng classroom namin.

Nagliwanag ang mga muka ng mga kaklase kong babae, marahil dahil na rin sa lalaking nasa pintuan. Sumilip ako ng kaonti dahil hindi ko siya makita. Nakaupo kasi ako sa tabi ng bintana, kaya masyado akong nasa gilid. Teka! Kilala ko to ah. Bench?!

“Ano yon, Mr. Sandoval?” Tanong ng teacher ko.

“May nagpapabigay lang po kay Aicel Bernardo.”

Kinilabutan ako nang lumipat ang tingin ng mga kaklase ko sa akin. Naka-death glare ang ibang kababaihan na nahuhumaling kay Bench. Mga impaktang to! Ang sama makatingin e.

“Ms. Bernardo, tawag ka ni Mr. Sandoval.” Sabi ng teacher ko kaya lumabas ako.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko kay Bench pagka-salubong niya sa akin.

“May nagpapabigay lang.” Inabot nito sa akin ang isang brown envelope.

“Sino—HOY!” Bastos tong batang to! Tinatanong ko pa tapos bigla akong tinakbuhan? Patay sa akin yang Sandoval na yan mamaya.

Bumalik na lang ako sa classroom ko at tahimik na binuksan ang envelope na ito. EH? Anong kalokohan naman to?!

Aicel, tingin ka sa bintana –>

Hindi ko alam, pero tumingin na lang din ako sa bintana. Utu-uto lang eh no? Nanlaki ang mata ko sa nakita ko! Wow! Haha. Si Sage! May hawak siya na malaking illustration board at may nakasulat doon na, “Sabay tayong mag-Lunch.” Bigla na lang akong napangiti at tumango sa kanya. He just smiled back.

“Uy! Kinikilig siya! Hihi.” Napatigil ako sa pagngiti ko nang magsalita si Reese sa tabi ko. Bruha to! Kinikilig daw ako? Hindi kaya! Slight lang. (-.-’)

“Ang sweet ni Sage no? Hihihi.” Panggagatong ni Ella.

“Pwede naman kasi niyang itext, diba? Gumastos pa talaga siya para sa envelope, bond paper, illustration board at marker.” Siniko pa ako ni Thea.

Sinamaan ko ito ng tingin. “Oo nga. Inutusan pa niya si Bench na dalhin sa akin ang envelope.”

Biglang nagbago ang timpla ni Thea. Inirapan lang ako ng loka loka. Hahaha! Natawa na lang kami nila Ella, Reese at Patch sa kanya.

“Anong oras na ba?” Pag-iiba ko ng topic.

“Ten minutes before lunch. May lakad ka ba? Wala na tayong klase after lunch diba? Wanna hang-out?” Sabi ni Patch.

“Hmm. Sige. Mamayang 2pm. Punta ka sa bahay.”

“Okay. Makinig na nga tayo.” Weird. Pero bigla akong nagka-interes sa lesson namin.

Nagtext sa akin si Sage na sa canteen na daw kami magkita. Nagpaalam na ako kela Thea at nagtungo na sa canteen. Kumaway si Sage pagkapasok ko kaya nakita ko agad siya.

“Anong gusto mong kainin?” Tanong niya sa akin pagka-upo ko.

Nag-isip muna ako bago ko siya sagutin ng isa pang tanong. “Bakit? Libre mo ba?”

“Hindi no!” He raised his brow. “KKB tayo. Tinatanong ko lang kung anong gusto mo para yoon na lang din ang sa akin.”

“Ah.” I almost whispered. Napahiya ako ng onti dun ah. Nag-isip na lang ako ng oorderin ko. “Adobo na lang ang sa akin.”

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon