Chapter Fifty FourPATCH
Kasalukuyang kaming nasa library ni Lewis. Ito ang unang araw na itu-tutor ko siya sa Trigonometry. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang gusto niyang magturo sa kanya. I find it awkward especially he was my suitor before, and he is my bestfriend’s suitor now.
“Kapag opposite side ang hinahanap mo, gagamitin mo ang sine. Kung adjacent naman, gagamitin mo ang cosine. Gets mo?” Tanong ko dito.
He didn’t reply. Parang lutang ang isip niya ngayon ah. (-.-’)
“Lewisito, nakikinig ka ba sa akin?” Napansin ko kasing kanina pa siya nakatitig sa akin at para bang napaka-lalim ng iniisip niya.
Hindi naman siya nakikinig e! Nakaka-asar tong lalaking to! Ang dami dami kong sinasabi at ang dami kong explanations dito, tapos hindi lang siya nakikinig? (-___-’)
“Huy!” Marahan kong tinulak ang balikat niya.
He came back from his reverie. “Huh? What are you saying?”
Sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi ka nakikinig sa akin.”
“H-Ha? Hindi ah! Nakikinig kaya ako.” He removed his gaze on me.
“Talaga lang ha.” Obvious namang nagsisinungaling siya dahil hindi siya makatingin ng derecho sa akin. “Sagutan mo nga ito!”
Binigay ko sa kanya ang isang problem na kanina lang ay itinuturo ko. Let’s see if he can answer it. For sure, hindi niya masasagutan yon dahil hindi naman siya nakikinig sa akin.
“Fine. I’ll do it. Kapag ako tumama dito, ikiki—ah wala, wala.” Ano daw sabi niya? Tss!
Tahimik niya lang na sinagutan ang sinabi kong problem. I’m just staring at him. Hindi ko maiwasan na titigan siya. I’m watching him as he murmured those formulas in his mouth. Seryoso din itong nagpipindot sa calculator niya.
Darn it, Lewis. Just seeing your face for a second makes me happy for a day. Masaya ako sa mga desisyon na pinili mo, pero hindi ko alam kung masaya ba ako para sa sarili ko.
If you just hold on a little bit more, Lewis. If you just hold on.
“Patch!” He snapped out of me. “Tulala ka na diyan!”
“H-Ha? I’m sorry.” Umiwas agad ako ng tingin sa kanya. I bit my lower lip to stop my tears from falling. Natatakot ako na baka makita niya yon.
“Tinatanong kita kung tama ang sagot ko.” Binigay niya sa akin ang sagot niya.
Tinignan ko ang problem na pinsagutan ko sa kanya, and to my surprise—he got the correct answer. Paanong naging tama? Eh sabi niya kanina, hindi niya maintindihan ang gagawin sa problem na iyon at nang ituro ko sa kanya ang gagawin, hindi siya nakikinig.
He smirked at me. “See? I told you, I’m listening.”
My heart jumped. I shouldn’t miss him, the way he talk, the way he smile, the way he’d make me laugh and the way he make me feel loved. I shouldn’t miss him, but I do.
“Staring is rude, miss.” He chuckled.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. “That’s all for today. Mukang may natutunan ka naman.”
I have to escape from him. Natatakot ako na baka malunod ako sa mga titig niya, sa mga ngiti niya. Natatakot ako na baka hindi ko kayanin ang nararamdama ko sa kanya at bigla na lang akong sumabog dito. He’s good now. Muka namang nakapagmove-on na siya at masaya kay Aicel. Dapat ako din. Dapat maging masaya na din ako. Kahit na alam kong sa kanya lang ako makakaramdam ng totoong saya.
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.