Chapter Twenty-TwoSAGE
“Sa Friday, magkakaroon tayo ng Concert for a Cause. Ang batch niyo ang magtutulungan sa preparating na auditorium, sound system and such. Kung sino man sa inyo ang interesado na mag-participate sa concert, magpalista sa akin.” Sabi ng teacher ko.
Sa Friday na pala agad yung Concert. Pinaka-inaabangan ng lahat ang concert dahil once a year lang mangyari yon.
“Next week naman, we’ll be having our retreat in Tagaytay for three days. Makakasama niyo rin ang inyong mga batchmates sa ibang section. Kaya ihanda niyo na ang mga gamit niyo. I’ll tell you the other details tomorrow.”
Blah blah blah, miss. Ang dami mo pang sinasabi diyan. Inaantok na ako. Gusto ko ng matulog! Miss ko na ang kama ko. Ahhh! Napaka-boring talaga ng Math Teacher na to kahit kailan! Buti na lang, nag-bell na agad.
“Nuks! May concert pala. Pare, kasali ba ang Eiffel diyan?” Bulong sa akin ni Zion.
Katabi ko kasi siya ngayon habang nasa likod naman namin sina Patrick at Lewis. Si Bench at Pen, may ibang klase sa kabilang building. At yung mga babae, nasa kabilang section. Pero batchmates naman kaming lahat.
“Aba, malay ko.” (-__-’) Sagot ko sa kanya.
“Tungaw!” Binatukan pa ako ng mokong na to. “Eh diba, kasali ka sa banda na yon? Sumali kayo! Baka malaki ang premyo ng winner.”
“Eh bakit ka ba nambabatok?” Sinamaan ko ito ng tingin. “Tsaka, malay ko ba. Bahala na sila Stan doon. Okay lang naman sa akin kung sasali kami or hindi.”
“Psh.” Inirapan ako ni mokong saka binalingan si Lewis. “Eh ikaw, Lewis? Sasali ka ba?”
“Saan? Sa banda?” Gulat na tanong ni Lewis.
“Tange!” Binatukan rin ni Zion si Lewis. “Syempre sa dance category! Diba leader ka ng KOTG Dance Group? Sasali ba kayo?”
“Ano yung KOTG?” Nagtatakang tanong ni Patrick.
“Pare, kaibigan ka ba talaga?” Tanong ni Zion dito. “Bakit hindi mo alam ang meaning ng dance group ni Lewis?”
“Eh ano nga bang meaning non?” Tanong ulit ni Patrick habang nagkakamot ng ulo.
“King of the Gil!” Proud na pagkakasabi nito tsaka nagpakita ng mga nakakatawang dance steps. Mga sayaw pang-kengkoy ganon.
“Hi Reese!” I said. Napatigil tuloy si Zion at dahan dahang lumingon sa likod niya. Nang marealize na nagloloko lang ako, binatukan niya ako ulit. “Aray!”
“Huwag mo kasi akong niloloko.” Sabi nito at ipinagpatuloy ang mga ‘King of the Gil dance moves’ ni Lewis. Tawa kami ng tawa, kasi muka siyang engot.
“Hi Reese!” Lewis said. Napatingin tuloy ako sa likod ni Zion and yes, Reese’s here.
“Pare, hindi mo ako maloloko. Haha!” Nagpatuloy lang ito sa pagsayaw ng KOTG Dance Moves habang kami nila Lewis at Patrick, nagpipigil na ng tawa.
“Kaya niyo ba to? Uh, Oha Oha~ Gumalaw ng ganito~” Kanta ni Zion.
“Hindi ko kaya yan e. Pwede mo ba akong turuan?” Finally, nagsalita na nga si Reese.
Tila naging bato si Zion sa kinatatayuan. Muli, ay dahan dahan itong lumingon at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Reese na nagpipigil ng tawa.
“R-Reese! K-Kanina ka pa diyan?” Tanong nito.
“Medyo. I saw your dance moves. Dancer ka pala?” Natatawa ito.
Napakamot na lang sa ulo si Zion bago kami bigyan ng tig-iisang ‘patay-ka-sakin-mamaya’ look. Bigla nitong iniba ang topic. “L-Lewis, sasali ba kayo sa concert?”
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.