[09] When I look at you, I see him staring through.

8.3K 96 22
                                    


Chapter Nine

LEWIS

Basketball Training today!

Maaga akong nagising kanina at mabilis na pumunta ng school. Dati rati, tamad na tamad akong mag-training sa basketball dahil papatayin na naman kami ni Coach Jayce sa practice. Bwisit lang. Pero himala nga talagang excited na excited akong mag-practice.

“Totoo ba to? For the first time in forever, hindi late si Lewis.” Natatawang sabi ni Bench. Binatukan ko nga! Minsan na nga lang ako maging maaga, mang-aasar pa.

“Masama na bang mag bagong buhay?” I said.

“Bagong buhay? Lul. May nangyari sigurong maganda sayo.” Napa-iling na lang ako sa sinabi ni Sage. Kung alam mo lang. Hahaha.

Kasama ko nga pala sila Sage, Zion, Patrick, Bench at Pen sa gym. Malapit na kaming magsimula. Pero bago yon, kwentuhan muna. Haha. Wag kayo ha, tulad lang kami ng mga babaeng magkakatropa na pag may time, chikahan.

Pero ito talaga eh! Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kagabi. Ano pa nga bang nangyari kagabi? Edi yung kiss! Kung meron nga lang rewind, stop at undo button ang buhay natin, papaulit-ulitin ko yun. Kasi sa oras na yon, ang saya saya ko. Sobra! Corny na ba? Haha.

Lalo pa tuloy akong ginaganahan mag-practice dahil kasama namin ang cheerdancers dito sa gym. May practice rin sila eh. At ang pinaka-goodnews sa lahat, kasama lang naman dun si Patch <3 Sana makapag-focus ako neto! Put your head in the game, Lewis!

Zion: "Lewis, okay ka lang ba?" Lumapit ito upang sapuin ang noo ko. “Wala ka namang lagnat. You’re really acting weird.”

Ako: "Huh? Oo naman. Bakit mo natanong?" ^__^

Bench: "Bakit ngingiti-ngiti ka jan?"

Pen: "Baliw lang, pre?"

Patrick: "Hinde, may sayad lang talaga yan."

Ako: "Ano ba kayo? Pag ba nakangiti mag-isa, baliw na agad? Diba pwedeng iniisip ko muna siya? Hahahaha." Natawa ako sa sarili kong joke.

Tropa: (--/)(--.)

Zion: "Tumatawa naman ngayon mag-isa." (-.-)

Sage: "Baliw na n---" ^___^

Pen: "Oh Sage, bakit ikaw naman ang ngingiti-ngiti diyan?"

Bench: "Maluwag na ba ang turnilyo ng utak niyo ni Lewis? Automatic ang curve line sa mga labi niyo ah. Hahahaha!"

Patrick: "Kakatakot! Mga lukring na tropa natin. Grrrr."

Zion: “Magbestfriend nga to! Haha.” Nag-apir pa silang apat.

Sage: "Bakit pag nakangiti mag-isa, lukring na agad? Diba muna pwedeng nakita ko kasi siya?"

Ako: "Hahahaha. Yun yon eh!" At ako naman ang nakipag-apir kay Sage. Parehas talaga kami ng utak neto. No wonder, bestfriends kami.

Since nakatitig lang siya sa may gate ng gym, naisipan kong sundan ang mga tingin niya. And oh my golly wow! I saw Aicel entering the gate. Ibig sabihin ba non, si Aicel ang nagpangiti kay Sage? Haha. Naks! Iba na to.

Zion: "AHAA!" Nanlaki pa ang mata niya habang nakanganga sa nakita. He slowly grinned. "Kaya naman pala eh!" 

Bench: "Bakit, anong meron?"

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon