Chapter Twenty-FourLEWIS
It’s Friday! Friday! Gonna get down on Friday!
Hehehe. Friday kasi ngayon at alam niyo ba kung anong meron ngayong Friday? Oh ano? Nahulaan niyo ba? Siret na ba kayo? Haha. Edi ano pa, Concert for a Cause na! Ang malilikom na pera ng school activity na ito ay ipapamahagi sa charity na tinutulungan ng school namin. Kaya naman kahit nakakapagod, worth it lahat kasi alam naming maganda ang mararating at mapupuntahan ng effort namin.
Maaga akong pumasok upang masiguradong okay ang lahat at magiging succesful ang event na to. Ang Concert for a Cause ay ginagawa namin once a year lang kaya isa ito sa pinaka-inaabangan ng campus. May mga bigating celebrities din ang pupunta upang magperform.
Naabutan ko agad ang barkada ko na abalang-abala sa pagchechek ng sound system at lights sa auditorium ng school. Dito gaganapin ang event namin kaya dapat walang palya. May points din ito sa extra-curricular subject namin.
“Guys!” Sigaw ko sa kanila. “Ang aaga nating pumasok ah.”
“Yow, bro!” Lumapit sa akin si Zion. “Buti na lang dumating ka na agad. Tumawag nga pala sa akin ang mag-aayos ng Lighting Systems at Dimmers ng audi. Parating na daw sila.”
“Chineck ko na rin ang sound system. Walang palya. Kami ata ni Thea ang nag-ayos niyan. Hah.” Pagmamayabang ni Bench sa amin.
Binigyan namin siya ng mapang-asar na ngiti. “Ikaw ha! Thea pa din.”
“Yuck, guys.” He stepped backward. “Kadiri kayo. Huwag nga kayong mang-asar.”
Napahagalpak na lang kami ng tawa dahil sobrang bwisit si Bench sa mga ngiti namin. Oh well, I’m still hoping that they will end up together.
“You don’t have to worry. Everything is going according to plan.” Patrick assured me.
“Good Job!” Tumango ako, at doon ko lang na-realize na kulang pala kami. “Nasaan nga pala si Padilla?”
“May jam sila ng Eiffel Band.” Pen answered. “Kasali pala sila mamaya.”
“Ah, I see. Eh si Patch? Dumating na ba?” Nagtext kasi siya sa akin kanina na mauuna siyang pumasok sa school dahil may aasikasuhin pa siya.
“Aysus. Ayun lang.” Pen, Patrick, Bench and Zion grinned at me.
“Nasa SC si Patch. Puntahan mo na.” Tinulak-tulak pa ako ni Zion. Nang-aasar pa e.
“Thanks pre. Puntahan ko muna.” Nginitian ko silang apat sabay takbo na papuntang Office.
xxx
Pagdating ko sa tapat ng pinto ng Student Council Office, kumatok agad ako at binuksan ang pinto. Naabutan ko si Patch na nakatalikod at mukang nag-aayos siya sa kwarto na iyon.“Patch?” I said. “Anong ginagawa mo?”
“Oh Lewis, ikaw pala yan.” Lumingon siya sa akin ng sandali pagkatapos ay binalingan na niya ulit ang ginagawa niya. Busing-busy ah. “Nag-aayos lang ako dito. Wala na kasi akong magawa, tsaka halo-halo na tong mga folders.” Sabi niya tsaka humarap siya sa akin.
O______O
Sheet. Agad akong tumakbo palapit sa kanya and I placed my palm on her forehead and neck to check her temperature if she’s hot. God, she looks pale.
“Bakit namumutla ka? Okay ka lang ba?” Hindi naman siya mainit pero namumutla talaga siya.
“Okay lang ako.” Ngumiti ito. “Napuyat lang ako kagabi?”
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Novela JuvenilFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.