[03] So Close, yet So Distant.

9.2K 104 12
                                    


Chapter Three

AICEL

"Bes, bakit hindi ka nagrereply kahapon?"Agad na umupo sa tabi ko si Patch. Kasalukuyan kaming nasa gym para manuod ng isang program. Ayoko naman talagang manuod dito kaso nga lang, kailangan namin mag-pasa ng reaction paper tungkol dito bukas.

Hindi ko na lang siya sinagot. Busy ako. Busy ako.

"Tsaka, bakit mo ba tinatakpan ng libro ang muka mo?"

"Hindi ako nagtatakip ng muka. Nagbabasa lang ako." Depensa ko. Hindi naman talaga ako nagtatakip ng libro sa muka no. Nagbabasa lang--
"Ng baliktad ang libro?"

Natigilan ako sa sinabi ni Patch. Shoot. Oo nga no! Baliktad pala tong libro ko. Badtrip! Baka mahalata ako neto e. Isip nga ng palusot, Aicel.  

"Mas naiintindihan ko kasi pag ganito." Palusot ko.


Patch: (O__O)
Ako: (=___=)

Payn. Hindi naman talaga ako nagbabasa. Ang totoo kasi niyan, nasa kabilang bleachers lang si Sage. At nararamdaman ko ang mga nanlilisik niyang mga mata na nakatingin sa akin. Diba nga, kahapon iniwan ko siya sa restaurant pagkatapos namin kumain? Tapos ang siste, tinago ko pa sa ilalim ng upuan ng kotse niya yung wallet niya. Pasimple ko kayang binunot sa likod na bulsa ng pantalon niya yon. After non, wala na akong alam sa mga nangyari.

"Patch, tara na. Balik na tayo sa room!"

Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko dito. Malamang sa malamang, patay na ako sa isip ni Sage. Hinila ko na agad si Patch. Lakad takbo na nga kami e. Kailangan ko na kasi talagang maka-alis sa lugar na ito at makalayo kay Master Sage, kundi patay talaga ako sakanya.

Pagdating namin sa exit ng gym. Nanlaki ang mata ko nang makitang nakaabang na pala si Sage doon, kasama si Lewis. Oh my Lewis! Nagkunwari na lang akong hindi sila nakita, pero hinarangan nila kami. More on, hinarangan ni Sage ang daanan ko. Ugh!

"Baka naman gusto mong makihati sa bayad?" Nakakunot ang noo niya nang sinabi niya sa akin yon. Patay ka talaga ngayon, Aicel.

"U-uy! Ikaw pala yan Sage. Hahahaha. Si Patch nga pala, oh bestfriend ko. Kilala mo naman yan diba, sige una na kami."

"Hi Patch!" ^___^ Binati niya muna si Patch nang nakangiti pero pagkabaling niya sa akin, sumimangot naman ang muka nito.


Sage: "So?" >//<

Me: "Hehehe. Sage naman, diba mayaman ka? Kaya mo na yun. Ito naman! Wala akong pera pambayad. Hehehe."

Lewis: "Ano bang nangyari, pre?"

Sage: "Ito kasing babaeng to, siya na nga ang nilibre ko para kumain sa *insert restaurant name here* kahapon, tinago pa ang wallet ko sa upuan ng kotse. Tumawag ako sa parents ko, at habang wala pa sila, naging instant dishwasher lang ako don!"

Lewis: "Really? Hahaha. Nice one Aicel!" *Apir*

Oh sheet. Nag-holding hands kami! Hahaha. Gaga Aicel! Apir lang yan. Feeling mo naman holding hands na. Baliw!

Nagtataka ba kayo kung bakit kilala ako ni Lewis? Bestfriend kami ni Patch diba? Syempre kelangan i-treat niya rin ako as his friend. At yung pagpapakilala ko kay Patch kay Sage kanina, wala lang yun. Matagal na silang magkakilala. Varsity ng basketball si Sage, at cheerdancer naman si Patch, kaya magkakilala na sila. Matagal na.  Naisip ko lang ipakilala si Patch para malusutan ko yung atraso ko kay Sage kahapon. Kaso sablay palusot ko eh.


Patch: "Grabe ka bes! Hahahaha. You did that? Awesome!"

Sage: "Psh. Pagtulungan ba ako?" (=__=)

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon