Chapter Thirty FourAICEL
Pagkabalik namin ni Sage sa bahay, hindi pa rin tapos sila Kuya Troy at Aries sa ginagawa nilang scrapbook. Naki-usisa tuloy kami ni Sage kung ano bang nilalagay nila don.
“Ate, wag mo ngang ilagay tong picture na to. Muka kong timang dito e.” Inis na sabi ni Sage kay Ate Aries.
Sa isang page kasi ng scrapbook nila, inilagay nila ang picture nila kasama ang kapatid nila. At tama nga si Sage, muka siyang timang sa picture na yun. Nakanguso ba naman. Muka tuloy siyang babae sa picture.
“Patingin nga ako ng picture.” Ate Aries handed me the picture. Tinignan ko iyong mabuti at parang may kakaiba sa picture na yon. Parang nakita ko na somewhere. Eh? Ano ba tong naiisip ko? Imposible ko namang nakita ko na si Sage, diba? He’s still young here.
“What do you think Aicel? Ilalagay ko ba or pampapanget lang yan ng scrapbook namin?”
“Pfft. Sige, Ate Aries! Haha. Ilagay mo na to.”
“WHAT! HUWAG NA YAN.” Inagaw sa akin ni Sage ang picture. “Pag may nakakita nito, baka pagtawanan ako.” (-.-)
“Ang cute mo kaya diyan!” Bigla kong nasabi. Oh my God! (--.)
Sage smirked at me. “Sabi na e. Nacucute-an ka sa akin. Sige, Ate Aries ilagay mo na ito sa scrapbook niyo. Cute naman ako diyan e.”
Hinampas ko siya ng isang photo album. Buti nakaiwas. Sayang! “Yung picture ang cute. Hindi yung Sage sa kasalukuyan. Feeling nito.”
“Ano to?” Sa sobrang curiousity ko nang makita ang color blue na album na may nakasulat na ‘Sage Pogi’ agad ko iyong kinuha. Titignan ko na sana e. Bubuklatin ko na! Kaso may isa na namang malaking umepal.
“WAG MONG TIGNAN YAN!” Sabay hablot ng photo album.
“BAKIT?” I raised my brow. “Siguro may tinatago ka ditong ka-pangitan mo no?” Inagaw ko sa kanya ang album pero hinila din niya. Nag-aagawan at hilahan tuloy kami.
“Wala akong kapangitan. Kahihiyan, meron! Kaya, huwag mo ng galawin tong album na to. Iba na lang.” Hinila niya ng malakas yung photo album sa akin. Nabitawan ko tuloy.
“Sus! Ngayon ka pa nahiya sa’akin! Huwag ka ng mahiya! Walang hiya ka naman e!” Lumapit ako sa kanya para kunin ang photo album na hawak niya. Naghabulan na nga kami sa salas e. Ayaw kasi niyang ibigay. Ang damot naman nito! Tss.
“PADILLA, AKIN NAAA! TITIGNAN KO LANG NAMAN E.”
Bigla niyang itinaas ang kamay niya. At dahil mas matangkad siya, hindi ko tuloy maabot! Ugh. Patalon-talon na nga ako, at nag-tiptoe na kaso ang tangkad talaga ni Sage. Wala akong laban dito. Nakaka-inis naman e. Ano bang dapat niyang itago dun? Tss.
“BERNARDO, WAG KA NA KASI—”
Tumigil na ako sa pangungulit. Kung ayaw niya, edi wag! Sinamaan ko na lang siya ng tingin, at bumalik na kela Ate Aries.
“Uy, Galit ka?” Sinundot ni Sage ang tagiliran ko. Pero hindi ko siya pinapansin. Sige lang, ipakita mong nagtatampo ka, Aicel. “Ay galit ka nga?”
Hindi ko siya kinakausap. Bahala siya sa buhay niya.
He suddenly grabbed my arms and playfully shakes it. “Hey, Aicel. Don’t be mad na! Ayoko mo lang makita mo yun because it’s really embarrassing.”
Hindi ako sumagot. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya.
Sage sighed in defeat. “Fine. Pero binalaan kita ha.”
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.