[59] Through the push and the pull, I still drown in your love.

3K 65 21
                                    

Chapter Fifty Nine

AICEL

Second Day ng School Fair namin ngayon at dahil kabilang ako sa Group no. 2, nandito ako sa Sweets and Cups Cafe. Aicel Bernardo at your service! 

“Isa ngang blueberry cheesecake.”

“Wait lang po.” I answered

Dali dali akong lumabas ng kitchen at nagtungo sa counter upang bigyan ng blueberry cheesecake ang aming customer.

“Ano po u—wtf.” I mumbled.

“One blueberry cheesecake and mocha cookie crumble frappe.” He smiled widely as he says his order to me. (-___-’)

Inirapan ko ito. “Ang lakas mo talaga mang-asar, e no?”

“Hindi ako nang-aasar. Umoorder kaya ako.” Sabay ngisi nito. “And why are you so annoyed? Kasalanan ko bang mawala ang susi ng handcuffs kahapon.”

“Kasalanan mo dahil tinago mo!” I almost yelled at him.

“Kasalanan ni Fred dahil palihim niyang shinoot sa bulsa ko.” Natatawa niyang sabi.

Sinamaan ko ito lalo ng tingin. Bakit ba ang hilig hilig niyang mang-asar? Bakit ba tuwang tuwa siyang nabubwisit ako at naiinis ako? Pasalamat siya mahal ko siya dahil kung hindi, buong puso ko siyang sisikmuraan, i-uupper cut at ihe-headlock hanggang sa hindi na siya makahinga.

“STAN!” Sigaw ko sa pangalan ni Stan. Muntik na nga akong matawa dahil sa pagpa-panic ni Stan nang sumigaw ako. Haha.

“Aicel, may problema ba dito? Bakit ka sumisiga—ow. Hi Sage!”

“Pagsilbihan mo muna ang isang epal dito. Ako na ang bahala sa kusina.” Tinapunan ko ng masamang titig si Sage. “Baka hindi ako makapagpigil at masaktan ko ng tuluyan yan.”

“Ha? Eh hindi mo pa man siya nasasaktan physically, e durog na yan emo—asdfghjkl.”

Hindi na natapos ni Stan ang sinasabi niya dahil mabilis pa sa alas kwatrong tinakpan ni Sage ang bibig niya. Okay, that’s weird. Anong ibig niyang sabihin na durog?

Anyway, umalis na ako sa counter at pumasok ng kusina. Ako na lang ang magtutuloy sa naiwang hugasin ni Stan dito. Ayoko ng makita ang pagmumuka ng kupal na iyon. Naiinis lang ako sa kanya, sa sarili ko at letseng puso na to na ayaw pang kumalma.

Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. (-.-’)

**Flashback**

“PIPIYANSAHAN KITA, LEWIS!” Sigaw ko kay Lewis bago ako magtatakbo sa kabilang direksyon. Naiwan ko kasi ang bag ko sa cafe. Nandoon ang wallet ko.

Nagmamadali akong lumabas ng Cafe upang puntahan si Lewis sa Jail Booth. Sira ulong Fred kasi yon. Sumideline ba naman sa Jail Booth, at si Lewis pa ang hinuli. Abno talaga e.  

“Sino ang papiyansahan mo, Aicel?” Tanong sa akin ni Jean. Bantay sa Jail Booth.

“Si Lewis.” Matipid na sagot ko.

Nagtaka ito sa sinabi ko. “Huh? Hindi naman namin nahuli si Lewis e.”

“Huh?” Ako naman ang nagtaka ngayon. “Pero kanina, hinuli siya ni Fred.”

“Pero si Fred ay assigned sa Marriage Booth. Kanina nga, humiram siya ng handcuffs. Tinatanong ko kung saan niya gagamitin, ayaw namang sabihin.”

“M-Marriage Booth?” Tumango ito. “Sige, salamat na lang.”

Nagpaalam na ako kay Jeane. The heck! Ano namang gagawin ni Fred kay Lewis? Kung nasa Marriage Booth sila, hindi kaya—OHMYGAHD! (O.O)

Hindi kaya magpakasal si Fred at Lewis? (o.o)

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon