Chapter ThirtyPATCH
Maaga akong nagising kaya naisipan ko na ring pumasok ng maaga. Marami rin kasi akong naiwan na trabaho sa Student Council. Kailangan ko ng matapos agad iyon within the week lalo na’t may inaabangang laban ng basketball ang school namin.
Oo nga pala’t may cheerdance practice pa kami tuwing M-W-F. Special number lang naman yon dahil school namin ang gagamitin para sa competition. Pero kailangan ko pa ding mag-practice dun. Ibig sabihin, more time with Geleen. Spell ASAR.
“Ma, Pa, papasok na po ako. Bye!” Paalam ko sa parents ko. Tulog pa kasi si Brent e. Mamaya pa ang pasok nun.
“Ang aga mo namang pumasok, anak.” Sabi ni Papa saka siya lumabas ng bahay namin. “At ang aga rin ng sundo mo.” He added.
EH? (o.o)
“Anong sundo?” Tanong ko kay Papa kaso hindi niya ako pinansin kasi may kinakausap siya sa labas ng bahay namin.
“Bakit hindi ka muna pumasok dito, hijo? Nag-almusal ka na ba?” Sabi ni Papa dun sa kausap niya sa labas. Agad ko naman tinignan kung sino iyon.
And Guess Who?
“Okay lang po, Tito. Iniintay ko lang si Patch.” Nakangiting sabi ni Lewis.“Ang aga-aga, anong ginagawa mo dito?” Eh kasi naman! Maaga na nga akong papasok tapos na-vibes pa niya yon. Lakas talaga ng radar ng lalaking ito. (-__-’)
“Obvious ba? Sinusundo ka.” He pouted. “Aga aga, pinapalayas mo agad ako.”
“Nagpapasundo ba ako sa’yo?” Okay. Magtaray ka lang, Patch. Alalahanin mo ang atraso sayo ng lalaking yan.
“Hindi. Pero—” He smiled widely.
“Pero ano?” I asked.
“Pero, I VOLUNTEER! Haha.” Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang wrist ko.
“Hindi naman kita pinapa—Lewis!” Bigla niya akong hinila palabas ng gate saka siya sumigaw sa Papa ko. Tignan mo to, nambubulabog pa ng kapitbahay.
“Tito! Una na po kami ng prinsesa natin.” (^.~)
“Okay. Basta mag-iingat kayo. Baka madapa! Dahan dahan lang.” Natatawang sigaw rin ng Papa ko sa amin.
Oh my! Una, akala mo magkapatid si Brent at Lewis pag magkasama, and now, si Papa at Lewis naman? Para silang mag-ama! Ang close na talaga ni Lewis sa pamilya ko. Haay.
Nang medyo makalayo na kami sa bahay, binitawan na niya ako at saka kami naglakad.
“Bakit tayo naglalakad? Pwede naman tayong mag-tricycle ah?” Tanong ko kay Lewis.
Napakamot siya sa batok niya. “Uhh. Wala lang, para exercise.”
“Wushuuu. Gusto mo lang ata akong mas matagal na makasama e. Siguro, bumabawi ka sa atraso mo sa akin. No?”
He blushed. Oh my god. Am I right? He blushed? Shet. Ang cute ni Lewis!
“Ah. Oo na, sige na. Gusto talaga kitang makasama ng mas matagal.” Tumungo ito to hide his face na pulang pula. Hahahaha.
“Why are you blushing?” Hinawakan ko ang muka niya pero umiwas siya.
“I’m not.” Wow, ang taray!
“Okay. Sabi mo e.” Saka ako tumawa para lalo siyang maasar.
“Hmm. Nagugutom ako.” Lewis said, changing the topic.
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.