Chapter Fifty
AICEL
Denying is not the best way to escape. Because the more you hide your feelings, the more they show, the more they grow and the more it kills you inside.
Siguro nga tama si Sage. Denial lang ako sa nararamdaman ko. At habang hindi ko maamin sa sarili ko na mahal ko siya, mas nahihirapan lang ako at mas nasasaktan.
I kissed Sage. Sa tingin niyo ba tama yon? I just wanted to confirm my feelings for him. Oo, nahihiya ako sa ginawa ko pero wala akong pinagsisisihan don because after that kiss, I finally realized that it is love the moment our lips parted. Mahal ko nga ang lalaking to.
Sage sat beside me. Dito sa katabing swing ko. After minutes of silence, nagsalita siya.
“Aicel, okay ka lang ba talaga?” Nararamdaman ko ang pag-aalala sa tono ng boses niya.
“Oo, okay lang ako.” Nahihiyang sabi ko sa kanya. Nahihiya pa rin ako kay Sage at feeling ko nga hindi pa rin nawawala ang pamumula ng pisngi ko. Parang naiilang tuloy si Sage sa akin.
“Gusto mo na bang umuwi?” Tanong ulit nito.
Tumango ako at sinagot siya nang hindi tinitignan. “Sige.”
“Sige, ihahatid na kita.” He said.
Tumayo na siya sa swing kaya naman tumayo na rin ako. Pero parang naging mistulang jelly ace ang tuhod ko. Nanlambot ito at hindi pa man ako nakakahakbang, agad akong napaupo. “Ahhh!”
“Aicel!” Agad akong dinaluhan ni Sage at dahan dahang itinayo. His brows were furrowed. Mukang galit ata ito. “Akala ko ba okay ka na?” (--.)
Gulp. Bakit ba ang sungit niya. Haay! “Oo. Okay naman ako. Kaya ko—Ay!”
“Shut up. Tss.” Hindi na ako umangal pa nang buhatin niya ako tulad nang kanina. Inikot ko ang mga braso ko sa leeg niya at kumapit ng mabuti.
Hindi ko nga maiwasan na titigan siya e. Ang gwapo talaga niya. Pero ayaw ko namang sabihin sa kanya yun. Knowing Sage, lalaki lang ulo niya. Haha. (-___-’)
Nakakabingi ang katahimikang bumabalot sa amin ni Sage dito sa loob ni kotse. Ni isa ay walang balak magsalita. I wanted to apologize for what I did but I can’t find the right words to say. Paano kung tanungin niya ako kung bakit ko ginawa yun? Am I ready to tell him I love him? Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kanyang mahal ko siya pagkatapos ng lahat ng pagde-deny at pang-iinsulto ko sa kanya. I don’t think he feels the safe way and I’m afraid he’ll just laugh at me and reject me. Paano kung may iba pala siyang gusto? Kakayanin ko ba yon? At anong reason ang sasabihin ko sa kanya? Trip ko lang? Ugh! Nakakalito!
Hindi ko rin lubos na maintindihan kung paanong nangyari na nakalimutan ko si Sage? The memories keep on flashing my mind. Sino bang makakasagot sa lahat ng mga tanong na naglalaro sa isip ko? Hindi ako mapapakali kung hindi ko malalaman ang totoo.
“Oh, anong nangyari sa inyo?” Hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay namin at nag-aabang si Kuya Troy sa labas.
“Kuya Troy, pakitulungan ako kay Aicel.” Narinig kong sabi ni Sage kay Kuya. Agad naman itong pumunta sa passenger’s seat at inalalayan akong tumayo.
Medyo okay na ako. Wala na akong maramdaman na sakit sa katawan. Normal na rin ang pag-lakad ko. Ito na lang sakit sa puso ko ang pinoproblema ko. Paano ko ba nakalimutan si Pottie?
“Sage, ako na ang bahala kay Aicel. Umuwi ka na, baka hinahanap ka na rin ni Aries.”
Tumango ito. “Sige, Kuya Troy.”
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.