A/N: Please read the Announcement on the first page before reading this chapter. Marami po akong binago, dinagdagan at pinalitan sa story na ito. Na-edit ko na po lahat ng chapters at sana mabasa niyo din ang mga revised chapters upang mas maintindihan ang storya. Baka magtaka kayo kung sino si Stan at Liam dito kaya sana pakibasa muna ang Announcement sa first page. Salamat! xx
xxx
Chapter Fifty Five
AICEL
Okay. Hinga, Aicel. Hinga.
Huwag niyo ng itanong sa akin kung anong nangyari pagkatapos akong halikan ni Sage kanina. Ugh! Hindi ko nga alam kung paano kami naka-uwi ng hindi nag-uusap. Spell Awkward. Yun na ata ang pinaka-matagal na minuto ng oras ko. Sobra!
Kanina pa ako naka-uwi, at kanina pa din ako pagulong-gulong sa kama ko. Bakit ba hindi ako makatulog? It’s already 2am, at maaga pa ang pasok ko mamaya pero hindi talaga maalis sa utak ko ang nangyari kanina sa amin ni Sage. It happened again. We kissed. At kahit siguro paulit-ulit yon, pareho pa rin ang mararamdaman ko sa kanya. Mahal ko talaga siya.
PERO BWISET E.
“If you’ll ask me if I love you, Aicel. I can’t lie.”
I can’t lie? Anong I can’t lie?
Hindi siya magsisinungaling na mahal niya din ako? O, hindi siya magsisinungaling na hindi niya ako mahal?
Ayan na naman siya sa mga relative words niya. Simpleng Oo at Hindi lang naman ang kailangan kong sagot mula sa kanya e. Pero ayaw pa niya akong diretsuhin. So, huhulaan ko na lang kung bakit niya sinabi yon at kung bakit niya ako hinalikan? Baka na naman trip niya ulit to. Tae ha. Nakakapagod na mag-isip. (-__-’)
Kaya kung kakamustahin niyo ang relationship namin ni Sage, sinasabi ko sa inyong—wala! Hindi pa kami. Ni hindi ko nga alam kung paano ko sasabihing mahal ko siya e. Ugh.
Itulog mo na lang yan, Aicel. Bukas ka na ulit mag-isip. Bwisit.
xxx
“Aicel, gumising ka na.” Rinig kong tawag sa akin ni Nanay Isay, kasama namin siya sa bahay. “Aicel, gumising ka na diyan, umalis na ang Kuya Troy mo kanina.”
Napamulat agad ako sa aking narinig. (o.o) Si Kuya Troy, iniwan ako? Tae talaga yun. Porket kumokotse na, kailangang iwan na agad ako? Pwede naman niya akong gisingin ah! Mabilis lang naman akong maligo! Bakit ba kailangang iwan niya ako, diba? Asar din yun!
“Kanina ka pa ginigising ng Kuya mo. Hindi ka naman niya magising-gising kaya umalis na. Bumangon ka na diyan, alas-otso na.” Sabi ni Nanay.
“WHAT?” Napatingin ako sa wall clock at putek! “LATE NA KOOOOOOO!”
Nagtatakbo ako sa banyo at ginawa ang daily rituals ko. Grabe! Yun na ata ang pinaka-mabilis na nagawa kong pag-ligo sa buong buhay ko! Nakaka-asar naman kasi yung bumabagabag sa utak ko kagabi e. Hindi ako pinatulog! Ayan tuloy, late na ako. T_T
“Kumain ka muna di—”
“Hindi na po, nay. Sa school na po ako kakain. Babye!” Agad akong lumabas ng bahay at salamat kay God dahil saktong may tricycle na napadaan.
After 12345 years, nakarating din ako ng school. Salamat sa napaka-bagal na pagpapatakbo ni Manong kanina. Late na nga ako, super mega late pa! Kainis.
Dumerecho ako sa classroom namin pagkadating ko ng school.
And weird. Bakit parang halos lahat ng nadaanan kong room, walang tao? May pasok ba ngayon? Syempre, meron! Aalis ba si Kuya ng bahay kung wala? Pero bakit, walang tao sa room namin? May gusto bang man-trip sa akin dito? Tss. Hindi magandang bir—
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.