[44] When the walls come down, I'm here to stay.

5.7K 71 36
                                    

Chapter Forty Four

PATCH

Hintayin mo ako sa Guard House mamaya ha. Ihahatid kita pauwi sa inyo.

I missed you.

UGH. Napahawak ako sa aking pisngi dahil nararamdaman ko ang pag-init nito kapag naaalala ang huling pangungusap na binitawan ni Lewis bago siya umalis ng Office kanina. Jeez! Kinikilig ako. Namiss niya ako! Wooooo~!

Excited akong pumunta sa Guard House pagkatapos ng last class ko. Parang kanina lang, magka-usap kami. At ngayon, namimiss ko na naman agad siya.

Hala, Patch! Malala na yan. Malakas na ang tama mo kay Lewis. Haha!  

Sakto lang ang dating ko sa Guard House. Ganitong oras rin kasi nauwi ang mga basketball varsity pagkatapos ng kanilang training. Kaya siguro, maya-maya lang ay darating na rin si Lewis. Baka nag-shower pa iyon e. Haha.

Paano ko ba sasabihin sa kanyang gusto ko rin siya? I mean, paano ko aaminin sa kanyang mahal ko siya? Ang hirap naman neto oh. Paano ko kaya siya sasagutin? Never pa akong nagka-boyfriend kaya hindi ko alam kung paano sisimulan to. Magtanong kaya ako kay Ella at Thea? Argh. Nakakasakit pala ng ulo to no? Kasi gusto ko, kapag naging official couple na kami ni Lewis, romantic at memorable. Okay, medyo hopeless romantic rin kasi ako e. Haha.

Tss. Iba na nga lang muna ang isipin mo, Patch! Darating rin kayo sa point na yan. Ang mahalaga, makikita mo na ulit siya at sabay kayong uuwi ngayon.


“Patch, bakit nandito ka pa?”

Si Carlo at Reine pala. Magkasama sila at magka-holding hands. Shems! Nakaka-inggit naman sila. Naiimagine ko tuloy kaming dalawa ni Lewis na magka-hawak kamay habang naglalakad. Isn’t that sweet? Hahaha.

Pauwi na siguro ang dalawang to. Ang cute pala nila together. Lalo na’t magkasama sila. I’m so happy for Carlo kasi finally, nahanap na niya ang kanyang the one. Sana magtagal sila at sana i-prove nila sa aking dalawa na nage-exist ang forever.

Though, goal ko ring makamit ang forever ko, kasama si Lewis.

Shet. Tama na Patch, dinadaga ka na sa mga sinasabi mo e. Hahaha.


I smiled at them. “Hinihintay ko pa si Lewis. Sabay daw kaming uuwi e.” (^.^)

“Ganon ba? Naks! Mukang eto na ang panahon para sainyo ni the one, no?” Nang-aasar na sabi ni Carlo sa akin. Medyo na-weirduhan naman sa kanya si Reine.

“Medyo, ganon na nga. Haha.” I giggled. Tae. Ang landi. Hahaha.

“Uy Patch, mauuna na kami ha?” Paalam ni Carlo.

Tumango ako sa kanilang dalawa. “Okay, mag-iingat kayo.”

Reine waved at me and smiled. “Bye, Patch!”


Ang tagal namang dumating ni Lewis. Chineck ko ang relo ko kung anong oras na. Diba dapat sa mga oras na to, tapos na ang training nilang mga varsity? And speaking of varsity, nakita ko si Zion at Patrick na naglalakad kaya tinawag ko sila.

Zion: “Patch, bakit nandito ka pa? Katatapos lang ng klase mo?”

Patrick: “Hindi ka pa ba uuwi? Mukang uulan na oh.” Napatingin ako sa kalangitan. Muka ngang uulan na dahil madilim. Wala pa naman akong dalang payong.

Ako: “Medyo kanina pa ang uwian ko. Actually, hinihintay ko si Lewis. Sabi niya sabay daw kaming uuwi e. Bakit wala pa siya? Diba dapat uwian niyo na?”

Zion: “Ha? Pero maaga kaming pinauwi ni Coach kanina. May meeting daw sila e.” Nagkatinginan sila ni Patrick at nag-taka.

Patrick: “Pre, diba kanina pa umuwi si Lewis?”

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon