A/N: Hi Guys! May JulQuen fanfic story nga pala ako ang title ay ‘In a Relationship with Mr. Ice Prince.’ Click the external link para makita niyo.
xxx
Chapter Forty Two
AICEL
I shrugged. “THIS CAN’T BE, AICEL. THIS CAN’T BE! THIS CAN’T—ARAY!!”
Natigilan ako at nauntog sa isang mascular body. Tumingala ako and I saw his face. Muka siyang nagtataka. “Anong this can’t be?”
Kung pwede lang sana, bumuka na ang lupa at kainin ako dahil sa sobrang kahihiyan. Bakit sa dinami-rami ng pwedeng makarinig sa akin, ay siya pa? Paniguradong daig pa nito ang machine gun sa pangungulit sa akin. Umisip ka ng palusot, Aicel. Isip! Ngayon mo gamitin ang utak mo.
“Baka naman gusto mong magsalita?”
Haaay. Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Nagsisimula na naman ang kakulitan niya. Nakakaasar talaga! Ano ng palusot ko? Anong pwede kong sabihin sa ‘This can’t be?’
“Hehehe.” I faked my laugh. “Hello! I-Ikaw pala yan.”
“Hello?” He raised his brow. “Mind telling me what’s bothering you?”
“K-Kuya Troy! Akala ko kung sino na e. Wala ka bang klase? Diba dun ka sa kabilang building? Bakit andito ka?” Tama yan, Aicel. I-change topic mo lang. Sana mag-work. Sana. Si Kuya pa naman ang tipo ng taong hindi nagpapadala sa mga change topic. (-__-’)
“Wag mong ibahin ang usapan, Aicel. Anong this can’t be?”
Ayun lang. Tsk! =____=
“Wala no. Haha. Una na ko, ha?” Lalakad na sana ako. Ayan na e, hahakbang na ako palayo kaso bigla niya akong hinigit pabalik sa harap niya.
Magkasalubong ang kilay ni Kuya Troy. Oh no. My brother knew me too well. “May problema ka ba?” Nag-aalala niyang tanong sa akin.
“Wala no. Ano namang problema ko? Tss.” Nag-roll eyes na lang ako.
Depressed pa rin ako sa hindi pagsunod sa akin ni Sage kanina. Ugh. Weh, Aicel? Depressed ka? Oh wait. Scratch that. Hindi ako depressed! Okay lang naman sa akin kahit hindi niya ako sundan. Mas maganda nga kung araw-araw, wag na niya akong sundan e. Mas okay kung hindi na siya magpakita sa akin para hindi ako laging nakakaramdam ng weird. =___=
“Liar. Halika’t pag-uusapan natin yan.” Hindi talaga nagpatinag si Kuya Troy. Hinila niya ako paupo sa isang bench at hinarap ako. “So, ano nga ang problema ng little sister ko?”
“Kuya, hindi na ako little.” (-__-’)
“Kahit na. You’re still my baby.” Sinamaan niya ako ng tingin. “Ano bang problema?”
Psh. Sasabihin ko ba sa kanya ang kakaibang nararamdaman ko? Pwede naman siguro diba? Pwede ko siyang pagkatiwalaan. Tsaka Kuya ko naman siya e. Magkasama kami sa hirap at ginhawa, kaya dapat lang na ibigay ko sa kanya ang hundred percent trust ko.
“Eh kasi, kuya—” Nag-aalangan pa akong magsabi. Kaya mo yan, Aicel. Push! “—Ang weird kasi ng nararamdaman ko kapag kasama si Padilla.” (-.-’)
“Anong weird? Paanong weird?” Nagtatakang tanong ni Kuya Troy.
“Ewan ko ha. Basta kapag kasama ko si Sage, itong nasa dibdib ko—” Tinuro ko ang kaliwang dibdib ko. “—Parang gustong kumawala sa katawan ko. Weird, diba?”
“Tss. My sis is in love with Sage for the second time.” He murmured.
“Ha?” Hindi ko kasi narinig ang sinabi ni Kuya. Parang binulong niya lang. Ano daw?
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.