Chapter One.
AICEL"Bes! Okay ka lang ba? Bes! Bes! Bes! Hooooy!"
Bumalik ang diwa ko ng magsisigaw si Patch sa tenga ko at hinampas hampas pa ako ng hawak niyang notebook. Talaga tong bestfriend ko, akala mo sweet na tao pero may ka-brutalang taglay na sa akin niya lang nagagawa. Hahaha. Pero wag kayo, mahal na mahal ko to! Cheesy na ba? Pwe. Hahaha.
"Patch, ano ba? Ang kulit mo ha." Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman natawa ito. Ganyan yan e. Natatawa pag naiinis ako. Lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Tatawa pa e!
"Haha—Sorry! Eh, ano ba kasi ang iniisip mo? Parang ang lalim lalim. May problema ka ba? Sabihin mo sakin no. I’m your bestfriend, in case you forgot."
"Alam ko yon no. Wala lang. Inaantok lang talaga ako." Nag-fake pa akong humikab para effective ang dahilan ko.
"Weh? Ano nga? Sabihin mo sakin!"
I tried to change the topic. Para hindi ko mabanggit sa kanya yung totoong dahilan kung bakit spaced out ako. "Ang kulit naman neto eh. Ikaw ha! May di ka sinasabi sakin."
"What? Ano? Wala akong maalala."
"Talaga? Eh ano ba tong nababalitaan kong type ka ng Lewis Gil ng school natin? Ikaw na bes! Haba ng hair mo. Teka, naapakan ko na ata."
Natawa lang siya sa sinabi ko, pero sumeryoso din agad. "Gaga! Wala lang yun noh."
"Anong wala? Ang swerte mo bes! Si Lewis yon! Kayo na ba?" Tila may kung anong kurot naman sa aking puso nang itanong ko kung sila na ni Lewis. Paano kung Oo? Malamang, tama si Sage. Maiiwan na lang ako ng bestfriend ko. At isa pa, may gusto ako kay Lewis e. Nasaktan ako nang malaman ko na type nito si Patch. Pero sino ba ako? Di hamak na isang tagahanga lang -.-
"Eksaherada ka Aicel! Ano naman ngayon kung gusto ako ng pinakasikat na lalaki dito sa campus, kung di naman ako gusto ng lalaking mahal ko."
LOADING.. LOADING.. LOADING..
1% 2% 50% 85% 99% ERROR! ERROR!
“Ano daw?” Naguguluhan kong tanong kay Patch.
Natawa na naman siya sa reaction ko. Medyo may pagka-slow kasi ako e. Dapat straight to the point para magets ko agad.
"Nevermind Aicel! Alam kong slowpoke ka. Kaynis to!"
"Ahehehe. Sabi ko nga slow ko nga! Ano nga ulit---" Itatanong ko pa ulit sana kung sila na nga ni Lewis kaso may boses na kung saan ang ipinagsigawan ang pangalan ko.
"AICEEEELLLLL!"
Sabay kaming napalingon ni bes dun sa tumawag. And guess who? Hulaan niyo kung sinong impakto ang nambubulabog na naman. Kay aga aga eh >//<
Patch: "SAGE?" O___O
Me: "Hoy impakto! Ano na namang kailangan mo?"
Patch: "Impakto? Haha. You're so mean bes! Di naman impakto si Sage eh Hahaha."
Sage: "Psh. Samahan mo ako Aicel." =____=
Me: "What? Mag-isa ka!"
"Teka lang ha, wait. What's happening here? Bakit hindi ko alam na close pala kayo nitong si Sage, bes?" Takang taka talaga si Patch kung bakit kami nag-uusap ng impaktong to. Hindi naman talaga kami close e. Feeling close lang siya. Argh.
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.