Chapter Forty Five
SAGE
Kung ano man ang nangyari kay Patch last time, we tried not to talk about it. Naiintindihan ko naman si Patch na gusto niya munang sarilihin ang dinaramdam niya. Pero isa lang ang sigurado ko, it’s Lewis. Hindi ko alam kung bakit ako nainis noong nalaman kong si Lewis ang dahilan. There is this something na gusto ko siyang protektahan mula kay Lewis. I don’t know, really. Basta kapag nasaktan ulit si Patch, I don’t know what I can do to him.
“Thank you talaga last time, ha. Buti na lang dumating ka nung mga oras na yun.” Nakangiting sabi sa akin ni Patch. Is that smile even real? (-.-)
Magkasama kami ngayon ni Patch. Nagkasalubong kami sa Main Gate, at same class pa rin kami. We are on our way to our classroom nang mapansin naming magkaka-salubong kami ng magkasamang sila Aicel at Lewis.
“Uh oh.” She gasped.
“Bakit?” Curious kong tanong sa kanya. “Alam ko namang si Lewis ang dahilan ng pag-iyak mo last time, pero pwede ko bang malaman kung bakit?”
There you go! Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na tanungin siya tungkol doon. Sana sabihin na niya sa akin dahil mamamatay na ako sa curiosity. Tss.
Ngumiti ito ng mapakla. “Nakalimutan niya ako kasi kasama niya si Aicel.”
“Ahh.” Magkasama pala sila noon. Kaya pala nasaktan si Patch. Ang pinaka-masakit naman talaga ay yung makalimutan ka. Based on personal experience. Hay.
“Sage, sabihin mo nga sa akin—” Tinignan niya ako sa mga mata. Her eyes are full of sorrow and pain. Gahd. I don’t want to see her like this. “Mababaw ba ako?”
Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya to assure her she’s not. “Hindi, Patch. Naiintindihan kita. I’ve been there at masakit nga yon.”
Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya ang tungkol sa past namin ni Aicel.
Dahan dahang tumango si Patch at ngumiti ng mapakla. Maya maya lang ay tuluyan na naming nakaharap sila Aicel at Lewis. Nararamdaman ko ang tensyon kay Patch at Lewis. They’re really not in good terms right now. At mukang nadadamay si Aicel dito.
Tumigil sila sa harapan namin. I can’t read what’s going on Patch’s mind, but one thing is for sure, Patch is hurt. Damn hurt. Damn pain. Bakit pa ba kasi yan naimbento?
“Patch..” Lewis muttered.
Hindi ito nagsalita. Ngumiti lang siya. Ngumiti na naman si Patch, pero alam ko namang fake lang yan. Bakit pa siya ngumingiti if deep inside, nasasaktan siya? I don’t get girls. They still manage to smile even if they’re hurt. Tss.
“Hi, Lewis! Hi Bes!” Ngumiti ito sa bestfriend niya.
Napatingin ako kay Aicel. She gave her a slight smile. Siguro, alam na rin niya ang tungkol sa nangyari. At sigurado rin akong hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari.
“Can we talk?” Lewis asked Patch.
Muka itong nag-aalangan. “Uhh—”
“Sandali lang, please.” Pagma-makaawa nito.
“K-Kasi Lewis—”
“Please, Patch. Sandali lang talaga.” Hinawakan nito ang kamay ni Patch.
Gets ko naman agad. Ayaw pa niya munang maka-usap si Lewis. Hindi pa siguro siya handa, kaya inagaw ko ang kamay ni Patch na hawak ni Lewis at sumingit sa kanila.
“Pare, ayaw ka niyang kausapin diba? Wag mo siyang pilitin kung ayaw niya muna.”
Lewis glared at me. “Pare, huwag kang umepal. Nag-uusap kaming dalawa. This is between the two of us. Huwag kang makisali, labas ka dito.”
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Square
Teen FictionFind out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did they conquer the fear of rejection.