[43] Got my heart beating fast. It's cardiac arrest.

6.1K 81 37
                                    


Chapter Forty Three

PATCH

Nakalipas ang ilang mga araw, mas naging busy kami sa mga school works at requirements ng mga subject namin. Hindi na rin kami masyadong nakakapag-usap ni Lewis after that incident sa Neverland. Lagi kasing hindi nagtatagpo ang mga schedule namin at mas naging focus siya sa basketball training. Pero, hindi naman siya nakakalimot na tumawag at magtext sa akin upang kamustahin ako. Samantalang busy naman ako sa cheering at student council.

“Hi, Patch!” Bati niya sa akin pagkapasok ng pinto. Nandito ako ngayon sa Student Council Office. Madalas ko itong tambayan kapag wala pa akong klase.

Ngumiti ako sa kanya. “Hello! Andito ka pala. Bakit?”

“Wala lang. Naisip ko kasi na baka pumunta ka agad dito after ng last class mo kaya dinalhan kita ng lunch. Kain ka muna.” Inabutan niya ako ng isang lunch box.

“Nag-abala ka pa e. Pero, thanks.” Tinanggap ko ang lunch box na binigay niya. Umupo naman agad siya sa silya na kaharap ko.

“Ang busy mo ah. Kung wala ka sa cheerdance practice, nandito ka sa office. Wala ka na atang pahinga. Kamusta ka na?”

“Okay naman ako. Ganon talaga kapag dedicated sa trabaho. Haha.” Natawa kaming pareho. Ang OA e. “Nakakapagod pero okay naman. Ikaw, kamusta?”

“Eto, busy din. Pero masaya. Haha.” He chuckled.

“Ay sus!” Nginitian ko siya ng may halong pang-aasar. “Oo nga pala. Busy ka sa swimming at busy ka din sa girlfriend mo.”

“H-Ha?” He blushed. “Paano mo nalaman yon?”

“Ano nga bang pangalan ng girlfriend mo? Si Reine? Tama ba?” Mas lalo siyang namula. “Ayieee! Kinikilig siya. Hahaha!”

“P-Patch naman e.” Nakangiti si Carlo habang nagpipigil ng kilig. Pero kahit anong gawin niya, pulang-pula na ang tenga niya. Haha. Ang cute tuloy. “Grabe! Ang bilis talagang kumalat ng balita. Eh, kakasagot lang niya sa akin last week.”

“Ang mga ganoong issue, hindi dapat pinapalagpas. Haha.” Binuksan ko na ang lunch box na bigay niya sa akin at ang gatorade na binili niya rin.

“Hmm—Masarap ba? Ako ang nagluto niyan. Hehe.” Napakamot pa siya sa batok niya. Haha.

“Sarap nito ha!” Nakangiti akong nag-thumbs up sa kanya. Grabe! Masarap nga ang luto ni Carlo. Bigla ko tuloy namiss si Lewis. Lalo na kapag pinagluluto niya ako sa bahay.

“Salamat. Nagpa-practice pa lang ako. Buti naman, okay lang ang lasa.”

“Dapat kay Reine mo na lang ito binigay. May pera naman akong pambili ng lunch. Haha.”

“Hindi ah. Pinrepare ko talaga yan para sayo. Hehe.” Carlo laughed. “Tsaka syempre, with full of love ang ginawa kong special lunch para kay Reine.”

Natawa ako ng malakas sa kakornihan ni Carlo. “Grabe! Sweet boyfriend here. Capable ka pa lang bumanat, Carlo. Hahaha!”

“Tse. Sige lang, mang-asar ka pa.” Hinayaan niya munang humupa ang tawa ko bago ulit siya nagsalita. “Pero ikaw ba, may special ka ng ginawa para kay Lewis.”

Kamuntik na ata akong mabulunan nang marinig ko ang pangalang Lewis. Putek! Pangalan pa lang yan, nagta-tumbling na agad ang puso ko. Paano pa kaya kung andito na siya, diba? Ugh!

“Ano ba yan, Carlo. Haha!” Hinampas ko siya ng pabiro. I tried to change the topic. Sana effective. “Masaya ako para sa inyo ni Reine. Sana magtagal kayo, at wag mo siyang hayaan na mawala pa.” Naging classmate ko rin minsan si Reine, at sobrang bait niya.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon