[74] Cause love comes slow and it goes so fast.

2.3K 90 50
                                    

A/N: Hi ✌✌✌✌

xxx

Chapter Seventy-Four

BRIE

Paglabas ko ng kusina, nagulat ako at mabilis na tumakbo upang daluhan si Aicel. Nakaupo ito sa sahig at nakatitig sa kawalan habang umiiyak.

“Aicel, why are you crying?” Pilit ko itong tinayo at pinaupo sa sofa. I tried to calm her. “Aicel, tell me! Sinong nagpaiyak sayo? Sino?!”

“S-Sage.” She stared at me at tuloy-tuloy ay pagtulo ng luha niya. “S-Sage.” 

“SI SAGE?!” I startled when Brian hurriedly run to our place. “PINAIYAK KA NI SAGE? ABA’T! NASAAN SIYA?! BUBUGBUGIN KO YUN!”

“Brian! Shut up at kumuha ka na lang ng water!” Utos ko sa kanya.

Padabog itong pumunta sa kusina at kumuha ng tubig. Pagbalik niya, pinainom ko ang tubig kay Aicel at hinagod ko ang likod niya upang kumalma. She’s still crying.

“Aicel, inhale. Exhale.” She did the same. “Now tell me, why are you crying? Inindiyan ka ba ni Sage sa date niyo? Sabihin mo lang. Kakalbuhin ko yun!”

“ANONG GINAWA SAYO NI SAGE? BABANGASAN KO PAGMUMUKA NG LOKONG YON!” Sigaw ulit ni Brian.

“Hey, you’re not helping!” Saway ko dito. Kunut-noong tumahimik na lang siya.

“T-Tumawag si Sage. Nagso-sorry siya k-kasi na-late siya sa d-date namin.” She sobbed.

“TAPOS ANO? ANONG GINAWA HA?!” Sigaw ulit ni Brian.

Sinamaan ko ito ng tingin. “Isa pang sigaw mo, sisikmuraan na kita!!”

Aicel continued her story. “S-Sabi niya, nag-usap daw sila ni K-Kuya. T-Tapos.. tapos.. narinig ko.. Brie, I heard it. I heard a loud screech. Brie.. Na-aksidente siya.”

“WHAAAAAAT?!!!!” Sabay na sigaw namin ni Brian.

*bzzt bzzt* *bzzt bzzt*

Agad na kinuha ni Aicel ang cellphone niya at sinagot ang tawag.

“Hello?” Tahimik itong nakinig at umiyak. “S-Sige. Pupunta na ako diyan.”

xxx

PATCH

Nandito na kami nila Mama, Papa at Brent sa airport. Ilang minuto na lang at tuluyan na kaming magpapa-alam. Alam kong malungkot kasi ilang taon na naman kaming mangungulila, pero kailangan e. We need this so we have to endure it.

“Ma, magc-cr lang ako. Hindi ko na ata kayang pigilin to.”

Tumango si mama. “Sige, bilisan mo lang. Baka maiwan ka ng eroplano.”

Pinagmasdan ko na lang si Papa na naglalakad palayo patungong CR.

Ilang taon na naman siyang mawawala sa tabi namin. Nakakalungkot talaga. Kailangan din kasi niyang tapusin ang kontrata niya sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya para maisagawa na namin dito sa Pinas ang business na matagal na niyang gusto.

“P-Patch..” Someone murmured my name but it was enough for me to hear it.

Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon and I was shocked to see Lewis here. Anong ginagawa niya dito? And why does he look so wasted? Ang gulo ng buhok niya, pinagpapawisan siya at parang kagagaling lang niya sa pag-iyak.

“Lewis?” Tumayo ako upang lapitan siya. “Anong ginagawa—”

I suddenly felt his arms wrapped around me. Bigla niya akong niyakap at sinubsob niya ang kanyang muka sa balikat ko. Naramdaman ko na lang na nababasa na ang damit ko, at naririnig ko ang paghikbi niya.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon